top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 2, 2023



ree

Sa araw na ito, ika-2 ng Agosto, magsisimula ang pinakamalaking motorsport event sa Pilipinas na gaganapin sa boardwalk ng Okada Manila sa Paranaque City.


Ang Motorsport Carnivale 2023 ay 5-day sporting event na pinangungunahan ng Philippine Rallycross Series na inaasahang magkikita-kita ang mahigit 50 racers papunta sa Tarlac at pabalik.


Gaganapin ang awarding ceremonies sa Okada Manila sa Agosto 6, na kung saan tatanggap ng special award sina Richard Gomez at Matteo Guidicelli.


Pinangunahan ang event ni Paranaque City Councilor Jomari Yllana na matagal nang mahilig sa karera. Umaasa siyang maibabalik ang glory days ng mga motorsports sa bansa, kung saan ginanap ang Philippine Grand Prix sa Maynila mula 1973 hanggang 1976.


Sinabi ni Yllana na gusto niyang hikayatin ang mga Pilipino na yakapin ang mayamang kasaysayan ng Philippine motorsports sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng mga mahihilig sa karera at panatiko sa isang komunidad.


Si Yllana ay nanalo at nakalagay sa ilang lokal na karera at siya ang unang Filipino podium finisher sa Yeongam International Circuit sa South Korea noong 2014. Siya rin ang principal driver ng pro-racing team, Yllana Racing.


Samantala, tuloy na tuloy na pala sa November ang civil wedding nila ni Abby Viduya na gaganapin sa Las Vegas, Nevada. Pagkatapos nito ay magkakaroon naman sila ng church wedding sa hometown ng mga Yllana sa Camarines Sur, na ang kanilang time frame ay mula sa 2024 hanggang 2025.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | June 29, 2023


ree

Mula nang magpakasal at maging mag-asawa na sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey ay palaging itinatanong kung kailan sila magkakaanak. Pero para kay Pia, masyado itong personal.


Nag-post si Queen Pia sa kanyang Instagram na puwede na siyang tanungin ng mga followers niya dahil na-miss niya ang mga ito.


Ang ‘very personal’ na tanong sa kanya ng isa niyang follower sa IG, “When are you planning to have a baby?”


Pero kahit na ganu’n ang itinanong ng netizen kay Queen Pia ay maayos pa rin niya itong sinagot, “I guess I'll start with this… because literally, every four questions I get, there’s one question about us having kids.


“Honestly, I find these questions so personal... I wonder why this is considered a normal thing to ask though?


“First it was, ‘Kailan ka mag-aasawa?’ (When are you getting married?) Now, it's constantly, ‘Kailan kayo magkakaanak?’ (When are you having kids?)”


Super agree naman ang mga netizens sa saloobin ni Pia...


“I get hurt when I’m being asked with these questions. It's a sensitive topic. I never asked anyone about this, I’m so careful. Shameless people.”


“Una, kailan ka magkaka-BF/GF? Sunod, kailan kayo mag-aasawa? Wala ba kayong balak mag-asawa? Sunod, kailan kayo mag-aanak? Wala pa kayong balak mag-anak? Bakit wala pa kayong baby? Sunod, kailan n’yo susundan? Wala pa bang kasunod? Sundan na ‘yan! Ganyan ang ugali ng nakararaming Pilipino, lalo na mga boomers. Mga magulang natin, tito at tita. ‘Yung tipong ang sole purpose lang ng buhay mo, eh, mag-asawa at mag-anak.”


“Only in 'Pinas! Mga Marites talaga, walang alam sa boundaries. Mga pakialamera!”


“It’s really offending. You don’t really know what the couples are going through, so better don’t ask the question. Wait until they are willing to share.”


“Oh, God. Check boundaries, girl. That’s very personal. I hope ‘di ka nagtatanong nang ganu’n. ‘Di mo alam kung may problem sa pag-aanak or ayaw magkaanak ng isang babae or wala pa sa priority. And it’s not anyone’s business but the couple or just the woman’s (if single).”


“It's very intrusive. Not to mention there are couples facing infertility issues who want to keep it to themselves because it pains them to talk about it.”


“Again, toxic Asian culture kasi. Tanong nang tanong ng mga personal questions. Too insensitive.


Kakakasal lang nila. Let them enjoy each other muna.”


“Kasi they’re still stuck in their ways… old school thinking na dapat we should be privy to everyone’s personal business. What gain are we going to get by knowing their plans to have a family soon or not?”


Sinagot din ni Pia sa kanyang IG post ang nag-comment na baka preggy na siya dahil hindi na raw niya nakikitang umiinom ito ng alak, na good news daw kung true, ayon pa sa isang netizen.


Kaya pabirong nag-comment si Queen Pia ng, “Guys, please stop assuming like this, it’s not nice.


Nao-offend ‘yung mga ininom kong margarita (face with tears of joy emojis)."


Samantala, marami pa rin talaga na parang inggit na inggit at guwapung-guwapo sa hubby ni Pia na si Jeremy.


Comment pa ng isang follower sa naturang IG post, “Ang sarap gumising sa umaga kapag ganyan kaguwapo ang asawa mo. Mas lalo kang mai-inspire na mabuhay, hahahaha! Fave couple.”


Say naman ni Rabiya Mateo, “Magkamukha na kayo.” At nag-agree naman ang mga netizens.


Tama rin naman ang observation ng marami na hayaan na lang muna sina Pia at Jeremy na i-enjoy ang isa’t isa, kaya ‘di sila dapat magpadala sa pressure ng pagkakaroon ng anak.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | May 15, 2023



ree

Isa sa mga big stars na sumuporta sa celebrity screening ng Cattleya Killer ang fiancée ni Cong. Arjo Atayde na si Maine Mendoza, na tahimik lang na nanood sa itaas na bahagi ng sinehan.


Nagkaroon kami ng short interview sa isa sa mga hosts ng Eat... Bulaga! katabi ang kanyang future mother-in-law na si Sylvia Sanchez.


At ang unang naitanong kay Maine ay kung ano ang naging reaksiyon niya sa performance ng kanyang boyfriend pagkatapos niyang mapanood ang Cattleya Killer.


Sagot niya, "Mahusay, napakahusay. Wala akong masabi."


At sa tanong kung gaano siya ka-proud sa boyfriend, "Sobra po."


Dagdag pa ni Maine, "Lalo na kay Tita (Sylvia), as a mom," at bigla ngang napahawak sa mukha ni Maine si Sylvia.


"As a mom to Ria, Arjo and to me," tugon pa ng masayahin at mahiyaing si Maine.


Sagot naman ni Sylvia, "Malapit na," sabay yakap kay Maine.


Pagpapatuloy pa ni Maine, "Ang galing, ang galing, ang galing. Congrats, Tita."


At ang tugon naman ng premyadong aktres na producer na rin, "Well, wala akong masabi."


Napansin ni Maine na parang teary-eyed na si Sylvia habang nagsasalita, "Hindi, basta... magaling 'yung mapapangasawa mong umarte."


Pagkatapos nilang magyakapan uli, "Mahusay kayong lahat. Kanino pa ba magmamana?" ang hirit pa ng TV host-actress kay Sylvia.


Kaya ganu'n na lang ang pasasalamat ni Sylvia kay Maine, "Thank you, thank you sa pagdating."

Hindi nga maitatago ang labis na kaligayahan ni Maine sa piling ng pamilya Atayde.


At mukhang marami pa siyang showbiz at family events na mapupuntahan habang hinihintay ang wedding day nila ng nobyong si Cong. Arjo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page