top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 11, 2023


ree

Nakaka-touch ang latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.


Kasama ng old and cute letter ni KC, marami ang naka-relate sa kanyang ipinost, kung saan minsan pa, ay ipinaramdam ni Sharon kung gaano niya kamahal ang pinakaunang anak.


Panimula ni Mega, "I have kept most, if not all of KC’s letters to me when she was small. I hope she was able to somehow keep all of mine too.

"We have moved houses so many times that I wouldn’t be surprised if lots of them got lost."


"Anyway — my baby is never a second away from my heart, my thoughts… I miss her terribly.


She’s all grown-up now… but the images of her as a little girl are so deeply etched in my brain and will stay there until I take my last breath.


"I hope you are doing well, Cucai, Tuttut, Tutti, Toot, Kaycee-waysie," dagdag pa niya.


Paniniguro pa ni Sharon, "Mama loves you very much. Always and forever. Unconditionally.


Whatever happens. Remember that always. @kristinaconcepcion"


Ilan sa mga naging komento ng mga netizens...


"Nothing and no one else will ever replace the love of a mother!"

"You are a kind of mom that everyone was praying for."


"A mother's love, walang makakatumbas na sinuman. You are a great mom Mami Sha."


"My daughters are the same way. They write me letters and I keep all of them. It warms my heart every time I read them. My kids are still little. They’re 8 and 10 and I enjoy them so much.


Cherishing every moment."


"Mother's love is always the best kind of love."


"So sweet kakaiyak..."


Samantala, sinigurado naman ni KC na hindi siya mawawala sa upcoming Dear Heart: The Reunion Concert ng kanyang Mama Sharon at Papa Gabby.


"I wouldn’t miss this for the world. See you there."


Magaganap ito sa October 27, 2023 sa SM MOA Arena at 7 PM.


At kaabang-abang nga ang magiging participation ni KC sa most anticipated grand reunion nina Sharon at Gabby.


Ia-announce pa kung sinu-sino ang special guests na tiyak na magdaragdag sa inaasahang star-studded event.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 07, 2023


ree

Ang intense naman pala talaga ng 'breakdown scene' ni L.A. Santos kung saan kaeksena niya si Diamond Star Maricel Soriano na gumaganap na kanyang ina sa In His Mother's Eyes na produced ng 7K Entertainment.


Sa sobrang intense ng eksena, nahirapang bumitaw si L.A., na naging dahilan para dalhin siya sa ospital.


Kuwento ni Mommy Florita Santos, "Sobrang bigat kasi ng eksena, kaya whole day na nag-internalize si L.A.. After ng scene, hindi na niya makontrol ang sarili, dahil hindi siya agad bumitaw."


Kaya nag-palpitate si L.A. at sumakit ang ulo, dinala nila sa ospital, hanggang kumalma at bumuti na ang kanyang pakiramdam.


Ipinapanood nga sa amin ang teaser ng In His Mother's Eyes, ang reunion movie nina Maricel Soriano at Roderick Paulate, na ang ganda ng sagutan nila sa isang eksena kung saan gumaganap silang magkapatid.


At revelation nga rito si L.A. na hindi talaga nagpakabog dahil nakipagsabayan siya sa husay sa pag-arte with Marya at Dick.


Kitang-kita rin ang napakahusay na pagkakadirek dito ni FM Reyes, na teaser pa lang ay maiiyak ka na, dahil tagos sa puso ang movie na mula sa panulat nina Gina Marissa Tagasa at Gerry Gracio.


At maging ang theme song ng pelikula na may title na Inay Patawad, kinompos ni Jonathan Manalo at inawit ni L.A., ay maiiyak ka talaga.


Natanong si Mommy Flor kung bakit si Maricel ang napili nilang maging nanay ni L.A. sa movie.


"Nu'ng ang Sa 'Yo Ay Sa Akin, 'di ba, locked-in sila, tapos wala ako, I was in China for eleven months," kuwento ng mommy ni L.A..


"Si L.A. kasi, sobrang mama's boy, alam naman ng lahat 'yun. Iyakin din siya.


"Tapos, sobra siyang nagpa-panic at dahil kasama niya si Sis Maricel, nakakalma siya. Pinag-uusapan nila ang mga dogs, minsan in the middle of the night, magbi-video call, sasabihin niya, 'Ma, si Inay po.'


"Kaya ko nga siya naging 'sis'. Tapos, noong nabuo na, sabi ko, ituloy na namin ang pelikula."


Dagdag pa ni Mommy Flor, "Imagine, Maricel Soriano, ise-share kay L.A., parang imposible, 'di ba? Sino lang ba si L.A. para samahan ni Ms. Maricel?


"Kaya sobrang thankful ako, 'di ko akalain that Maricel Soriano will share her name sa isang L.A. Santos."


Sa October 16, 2023 na ang sinasabing announcement ng Final 4 na bubuo sa Top 8 entries sa 2023 Metro Manila Film Festival, at marami talaga ang nagdarasal na makapasok ang In His Mother's Eyes na super deserving talaga.


At 'pag nakapasok ito sa filmfest, sigurado kaming lalaban sina Maricel at L.A. sa pagka-Best Actress at Best Actor, samantalang si Kuya Dick ang pambato nila sa Best Supporting Actor.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 02, 2023


ree

Tiyak na matindi at kapana-panabik na naman ang magiging tunggalian sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong ito.


Muling magtatapat sa pagka-Best Actress sina Nadine Lustre para sa Greed at Heaven Peralejo para sa Nanahimik ang Gabi.


Makakalaban nila sina Kim Chiu (Always), Max Eigenmann (12 Weeks), Janine Gutierrez (Bakit ‘Di Mo Sabihin) at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).


Matindi rin ang bakbakan sa pagka-Best Actor dahil maglalaban sina Elijah Canlas (Blue Room), Baron Geisler (Doll House), Noel Trinidad (Family Matters), Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi) at JC de Vera (Bakit ‘Di Mo Sabihin) na pawang mahuhusay.


Limang pelikulang Pilipino naman ang nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban. Nominado sa Best Film ang Bakit ‘Di Mo Sabihin, Blue Room, Doll House, Family Matters at Nanahimik ang Gabi.


Sina Marla Ancheta (Doll House), Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room), Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin), Nuel Crisostomo Naval (Family Matters) at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi) ang na-nominate sa Best Director category.


Hindi rin magpapahuli ang labanan nina Mylene Dizon (Family Matters), Matet de Leon (An Inconvenient Love), Althea Ruedas (Doll House), Ruby Ruiz (Ginhawa) at Nikki Valdez (Family Matters) sa kategoryang Best Supporting Actress.


Para sa Best Supporting Actor, mabigat din ang labanan nina Nonie Buencamino (Family Matters), Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa).


Ilan lang ito sa mga categories na paglalabanan. Kasama rin ang mga awards na ipagkakaloob sa mga artista, producers at veteran writers.


Magaganap ang 6th Entertainment Editors' Choice sa Oktubre 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City mula sa direksiyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.


Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard ang ika-anim na edisyon ng The EDDYS.


Magkakaroon ito ng delayed telecast sa NET25 sa Oktubre 28.


Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspapers at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People's Journal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page