top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 29, 2022



ree

Pinarangalan bilang Best Actress ang veteran movie icon na si Charo Santos para sa kapuri-puring pagganap sa Kun Maupay Man It Panahon at si Christian Bables naman ang nakasungkit ng Best Actor award para sa mahusay na pag-atake sa Big Night sa katatapos lang na 5th The EDDYS (Entertainment Editors' Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).


Matagumpay ngang naidaos ang Gabi ng Parangal sa Metropolitan Theater (MET) noong Linggo nang gabi, November 27, kung saan ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda ang naging host, habang ang OPM legend at singer-songwriter namang si Ice Seguerra ang direktor ng awards night.


Big winner sa The 5th EDDYS ang On The Job: The Missing 8 na nakakuha ng walong tropeo kabilang na ang Best Director para kay Erik Matti, Best Supporting Actress para kay Lotlot de Leon at Best Film (Reality Entertainment).


Nanalong Best Supporting Actor si Mon Confiado para sa pelikulang Arisaka.


Kitang-kita naman ang labis na kaligayahan ni Ms. Charo nang tawagin ang kanyang pangalan. Ibinahagi niya ito sa kanyang mga co-nominees. Bukod sa kanyang producers, direktor at entire cast, pinasalamatan din niya ang kanyang Waray coach.


ree

Panghuli, sabi ng EDDYS Best Actress, "I'd like to share this honor with my family, maraming-maraming salamat, sa pagbibigay n'yo ng puwang sa aking mga pangarap at pagkatao."


At dahil magtatapos na sa ere ang MMK (Maalaala Mo Kaya), aasahan na gagawa siya ng makabuluhang pelikula at tatanggap din ng teleserye.


Bukod sa pasasalamat ni Christian at hindi nga niya alam ang sasabihin, sa dulo ng acceptance speech, nabanggit niya, "Sana po, suportahan natin ang pelikulang Pilipino at makabalik sa mga sinehan, dahil maraming pelikula ang ipapalabas at ipapalabas pa lang.


Sana po, masuportahan natin."


Naging highlight sa Gabi ng Parangal ang pagbibigay-tribute ng The EDDYS sa mga movie icons na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, Elizabeth Oropesa, Helen Gamboa, Divina Valencia at Sharon Cuneta.


Sina Phillip, Roi, Divina at Alma lang ang nakarating sa awards night, na labis-labis ang pasasalamat sa natanggap na pagkilala.


Nagbigay naman ng pasabog at bonggang-bonggang performance sina Jona, Zephanie, Regine Tolentino, Dance Royalties at si Direk Ice sa kanyang madamdaming rendisyon ng Minsan Ang Minahal Ay Ako, na nagpatulo ng luha ng ilan sa mga manonood, sa MET man o sa live streaming na napanood sa iba't ibang bansa.


Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang namahala sa pagbibilang ng mga boto para sa The 5th EDDYS.


Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa ika-5 edisyon ng The EDDYS:


Best Supporting Actor: Mon Confiado (Arisaka)

Best Supporting Actress: Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8)

Best Sound Design: Corinne de San Jose (On The Job: The Missing 8)

Best Musical Score: Erwin Romulo (On The Job: The Missing 8), Cesar Francis Concio (Love is Color Blind), Teresa Barrozo (Big Night)

Best Original Theme Song: Maghihintay mula sa More Than Blue (Words, music and performance by Marion Aunor)

Best Visual Effects: Mothership (On The Job: The Missing 8)

Best Editing: Jay Halili (On The Job: The Missing 8)

Best Production Design: Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Cinematography: Neil Derrik Bion (On The Job: The Missing 8)

Best Screenplay: Jun Robles Lana (Big Night)

Best Director: Erik Matti (On The Job: The Missing 8)

Best Actor: Christian Bables (Big Night)

Best Actress: Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Film: On The Job: The Missing 8

Special awards:

Joe Quirino Award: Mario Dumaual

Manny Pichel Award: Eric Ramos

Rising Producers' Circle: Rein Entertainment

Producer of the Year: Viva Films

Isah V. Red Award: Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas, Kapuso Foundation and Sagip Kapamilya.


Posthumous Award: Susan Roces and Cherie Gil

Beautéderm Male and Female Faces of the Night: Sean de Guzman and Alexa Miro

Ang matagumpay na The 5th EDDYS ay hatid ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE, sa pakikipagtulungan ni Rhea Anicoche Tan at ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.


Kabilang sa mga sponsors ang Nathan Studios, Rep. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay.


Suportado rin ito ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill, Bataan Rep. Geraldine B. Roman, Mayor Joy Belmonte, Jinkee Pacquiao, Bernard Cloma, MullenLowe Treyna Inc., Browne Communications, at kasama pa ang Cetaphil, Avon, Dermclinic at Watsons.


Congratulations sa lahat ng winners at special awardees.


Mabuhay ang pelikulang Pilipino! See you at The 6th EDDYS next year.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 25, 2022



ree


Proud na proud ngang ipinost ni Megastar Sharon Cuneta ang first magazine cover shoot ng bunsong babae niyang si Miel Pangilinan.


Caption niya sa kanyang IG post, "So proud of you on having your first magazine cover SOLO, Yellie! I love you more than life itself. @mielpangilinan: baby’s first magazine cover shoot"


Nagpasalamat din siya sa Nylon Manila na kasama nga si Miel sa kanilang anniversary issue, "Thank you Nylon for this wonderful opportunity. I’m genuinely so thankful that you’ve given me this platform to share myself with the rest of the world. My younger self could have only dreamed of something like this happening. I still can't believe this is real life LMAO.


"Congrats to @mavylegaspi and @kramer.kendra as well!!!! And happy, happy birthday @nylonmanila," panghuli pa niya sa post.


Ang daming natuwa at pinusuan ang naturang post ni Sharon, kung saan marami rin ang nagandahan at sinasabing "Mini Me" talaga ng Megastar si Miel.


Paano pa kaya 'pag nawala na ang kanyang baby fats, lalong lilitaw ang beauty ng daughter nina Sharon at former Sen. Kiko Pangilinan.


Pero ang nakapukaw sa atensiyon ni Sharon ay ang mensahe ni Mavy Legaspi na, “Thank you so much po, Ms. @reallysharoncuneta! [classic smiley emoji] Wooohooo congrats @mielpangilinan!”


Kaya parang sinita ni Sharon si Mavy kung bakit “Ms.” ang tawag sa kanya, eh, parang kapatid na raw niya ang ina nitong si Carmina Villarroel.


At nakatutuwa pa, sabay pa ang birthday ni Sharon (January 6) at ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.


Kaya komento ni Sharon, “@mavylegaspi Ano'ng ‘Ms.?!!!’ Your Mama is my sister too! Ask her!?


(face with two hearts emoji) And you and Cassie and I have the same birthday, anak! [three hearts emojis]. Thanks so much, Mavy!"


Dagdag pa ni Mega, "Tell Mama I love her and miss her please! @mina_villarroel."


Nagpasalamat din si Miel kay Mavy, "@mavylegaspi thanks mavs!! It was so nice seeing you yesterday!!"


Anyway, sumagot na si Carmina at aliw na aliw ito sa naging reaction ni Sharon. Sinabi nito na alam ng kambal niya kung ano ang turingan nila ng Megastar.


Nagpaabot din ito ng pagbati kay Miel na nasa cover nga ng isang magazine at kasama si Mavy sa nai-feature.


Comment niya, “@reallysharoncuneta hahahahaahah. Ate sis!!!!! Yes. The twins knows. [heart emoji] I miss you too and I love you [two hearts emoji]. Congrats to @mielpangilinan [clapping hands emoji].”


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 20, 2022



ree

Nag-react si Alex Gonzaga sa isang tweet na gustong gawing katatawanan lang ang nangyaring pagkawala ng dinadala niya sa kanyang sinapupunan.


May nag-tweet kasi ng, "The urge to make Alex Gonzaga miscarriage jokes is irresistible."


Kaya, 'di napigilang sagutin ito ng misis ni Councilor Mikee Morada, "Pssst! Go lang if that will satisfy you I won’t mind I’ll be the first one to laugh pa. You’re welcome."


Marami naman ang nag-reply sa comment na ito ni Alex.


Say ng netizen, "Hope you’ll feel better, Ate Alex, this kind of topic is not joke at all. They’ll think na porke't comedian ka, lahat ng nangyayari sa buhay mo, nakakatawa na. Mga nakakaawang nilalang! Napaghahalataang walang nagmamahal sa kanila at puro inggit ang laman ng katawan.

We love you."


Sagot ni Alex, "Aaaaw thank you but I’m really okay. Wala talagang dating sa 'kin 'yun..."


Matapang naman ang reply ng hater, "Masyado ka kasing pa-relevant tang*na mo."


Sinagot ito ng netizen na, "‘Day madali lang 'yang problema mo, eh, di 'wag mo 'kong pansinin."


Say pa ng another basher, "Dose of your own medicine."


Pero 'di nagpapigil ang isa pang follower ni Alex at say niya, "Sir, ini-stalk ko 'yung profile mo, puro religious ipino-post and retweets mo, tapos ganyan ugali mo? Hahahaha!"


Say pa nila, "You may hate Alex Gonzaga for your own reasons but please know your limits on what jokes you should pull on everybody, especially on those who experienced miscarriage because losing a child is very depressing. "


"Ei, wow, enabler naman siya, eh, saka siya rin nagsabi, wa' epek sa kanya 'yun, so not a big deal sa kanya, lol! Saka respect is earn not given so kung gusto niyang respetuhin, aralin niya muna sa sarili niya 'yun @Mscathygonzaga."


"'Di ko na talaga alam! Ano'ng breed kaya ang tawag sa mga taong grabe makapagsalita nang masama sa kapwa at ipinagmamalaki pa talaga sa lahat! @Mscathygonzaga."


"Mga lason sa lipunan 'yung ganyan. Nanghihingi ng respeto sa ibang tao pero sila, hindi marunong rumespeto. — karma."


Sa dami ng bashers ni Alex, marami pa rin ang nagpakita ng pagmamahal at nagwi-wish na, "In the Lord Jesus mercy, grace and compassion. May the good Lord grant you a child.."


"We love you no matter what happens, and forever proud of being one of your netizens @Mscathygonzaga."


"PSSSSST!!!! I love you so much."


Sagot naman ni Alex, "Love you, guys, too!"


Panghuling tweet pa ng actress at social media influencer... "Ay, dapat walang nagpa-private at magde-delete, ha… hihinang nilalang naman!"


 
 
RECOMMENDED
bottom of page