top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 22, 2020


ree


Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa awtoridad na siguraduhing hindi makakalaya si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca matapos mag-viral ang video ng pamamaril at pagpatay nito sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.


Pahayag ni P-Duterte, "Topak... Ewan ko ba't nakalusot. "Pakainin n'yo ng COVID.”

Kinilala ang mag-inang biktima na sina Sonya at Frank Gregorio na kapitbahay ni Nuezca.


Saad pa ni P-Duterte, "From the time you are arrested up to the time that you are haled to court… walang bail ka.


‘Pag nahuli, diretso-diretso na ‘yan and I don’t think that you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV, pati ako napanganga. "Walang kuwenta. That’s unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandiyan, ewan ko lang.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 21, 2020


ree


Galit na pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-viral na video ng pamamaril at pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon kay Senator Bong Go.


Sa video, makikitang nakaalitan ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, 46, ang biktimang si Sonya Gregorio, 52 at ang 25-anyos nitong anak na si Frank Anthony dahil lamang sa paggamit umano ng homemade cannon at humantong sa pamamaril ng pulis na ikinasawi ng mag-ina.


Saad ni Go, "Galit din si Pangulo sa nangyari.” Samantala, una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi poprotektahan ni P-Duterte si Nuezca.


Aniya, "Iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at parurusahan po natin ang pulis na iyan — no ifs, no buts. Magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman po natin ang ebidensiya ng pangyayari.


"Hindi po kinukunsinti ng Presidente ang mga gawaing mali.”


Samantala, nahaharap na sa kasong grave misconduct involving homicide si Nuezca.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 8, 2020


ree


Nagbabala na si Pangulong Rodrigo Duterte na maaari na nitong ipagbawal ang paggamit ng mga paputok at pyrotechnics sa Pilipinas tuwing Kapaskuhan at Bagong Taon.


Sa public briefing nitong Lunes, sinabi ni P-Duterte na delikado ang paggamit ng mga paputok at ito na rin umano ang paraan upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.


Aniya, “By mid-year, I may issue the necessary documents banning totally, totally banning paputok.” Ibinahagi rin ni P-Duterte na noong mayor pa lamang siya sa Davao City ay ipinagbawal na rin nito ang paggamit ng paputok.


"Kagaya sa amin, sa amin maganda man. New Year, Pasko, we celebrate it with the family. May music, lahat na. Gaiety and all. Walang nasusugatan, walang namamatay," dagdag niya.


Samantala, binalaan din ni P-Duterte ang mga pulis, militar at civilian, may lisensiya man o wala, na huwag gumamit ng baril bilang paputok. "Kapag nahuli ka dito sa pagpaputok mo...papahirapan kita.


Kung sa New Year ka magpapaputok... papahirapan kita. Sabihin ko sa mga pulis, 'wag n'yong linisin mga kubeta n'yo sa preso...' wag n'yo linisin sa Pasko pati New Year.' Kasi diyan ko ipasok 'yung mga 'yan. That's an order. Do not clean," sabi ni P-Duterte.


Noong nakaraang taon, ibinahagi ng Department of Health na bumaba ng 35% ang mga nadisgrasya dahil sa paputok.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page