top of page
Search

ni Lolet Abania | February 27, 2021



ree

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ng China na nakatakdang dumating sa Linggo, February 28. Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go, sasamahan niya ang Pangulo sa pagtanggap ng nasabing bakuna.


“Darating na sa February 28. I think 5:00 p.m. po ay tatanggapin ni Pangulong Duterte,” ani Go. Sinabi ni Go na ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine ay donasyon ng Chinese government sa Pilipinas.


Sa kabuuang bilang nito, 100,000 doses ang nakalaan para sa mga militar. Una nang binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais ng Pangulo na siya mismo ang tumanggap ng mga vaccine bilang pasasalamat sa China sa naturang donasyon.


“Gusto po nating tumanaw ng utang na loob, kaya nais sumalubong ni Presidente. Magkakaroon po ng ceremony kapag dumating na ang donated vaccines ng People’s Republic of China,” ani Roque sa Palace briefing.


Ayon pa kay Go, na siyang chair ng Senate Committee on Health, isang "simple turnover" ceremony ang magaganap sa Linggo. “Matagal na natin itong inaantay. Ako, as a legislator, talagang kinukulit ko po.


Naaawa na ako kina Vaccine Czar Secretary (Carlito) Galvez, Jr. at (Department of Health) Secretary (Francisco) Duque. Halos araw-araw ko silang nire-remind,” sabi ni Go.


 
 

ni Lolet Abania | February 27, 2021



ree

Ganap nang batas ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maipatupad ang vaccination rollout laban sa COVID-19, ayon kay Senator Bong Go.


Nakapaloob sa batas ang P500-million indemnity fund na ilalaan para sa mga indibidwal na makararanas ng masamang epekto matapos na mabakunahan ng COVID-19 vaccine.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, agad nang maisasagawa ang pagbabakuna kontra-coronavirus dahil dito.


"We are confident that the signing of this landmark piece of legislation would expedite the procurement and administration of vaccines for the protection against COVID-19," ani Roque.


"Indeed, we remain committed in our fight against the coronavirus pandemic and we are using necessary means, such as the enactment of this Republic Act, certified urgent by the President, as a way to start our vaccine rollout," dagdag ng kalihim.


Sa ilalim ng batas, ang Department of Health (DOH) at ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang otorisado na magsagawa ng negosasyon sa pagkuha ng COVID-19 vaccines kabilang na ang mga ancillary supplies at services para sa storage, transport at distribusyon ng bakuna.


Ang indemnity fund ay gagamitin para sa kompensasyon ng mga indibidwal na makararanas ng adverse effects matapos maturukan ng COVID-19 vaccine.


 
 

ni Lolet Abania | January 27, 2021


ree


Mariing ipinahayag ng Malacañang na si Pangulong Rodrigo Duterte ay pribadong magpapabakuna ng COVID-19 vaccine kahit pa maraming nagsasabing dapat ipakita ito sa publiko.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang vaccination ay hindi maaaring gawin at ipakita sa publiko dahil sa nais ng Pangulo na iturok ang bakuna sa kanyang pigi o puwet.


“I think so. He has said so. Sabi niya nga, dahil sa puwet siya magpapasaksak, so hindi pupuwedeng public,” sabi ni Roque sa kanyang press briefing tungkol sa desisyon na ito ni P-Duterte.


Gayunman, pinuri ni Roque ang Pangulo dahil aniya, matatawag pa ring “best communicator” ang Punong Ehekutibo pagdating sa mga kampanya ng gobyerno lalo na sa pagpapatupad ng minimum health standards para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Matatandaang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa nakaraang Senate inquiry na susubukan niyang kumbinsihin si Pangulong Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko para umangat ang kumpiyansa ng mga Pinoy sa vaccine.


Subali't nabanggit din ni Roque na gagayahin ni P-Duterte ang ginawa ni Queen Elizabeth II ng Britain na ang kanyang pagpapabakuna ay inanunsiyo lamang pagkatapos na siya at ang asawang si Prince Philip ay tumanggap ng first shots.


Sina US President Joe Biden, Indonesian President Joko Widodo at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ay ilan lamang sa mga lider sa buong mundo na nagpabakuna na sa harap ng publiko.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page