top of page
Search

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na magparehistro para sa national ID, kasabay ng pagsisikap ng gobyerno na maisulong ang kanilang mga programa gaya ng public service delivery, bawasan ang korupsiyon at matigil ang red tape.


Matatandaang naisabatas ang Philippine Identification System (PhilSys) Act matapos pirmahan ni Pangulong Duterte noong 2018, kung saan may mandato ang pamahalaan na magsagawa ng isang single official identification card para sa lahat ng Filipino citizens at mga dayuhang residente sa bansa upang magsilbing de facto national identification number ng mga ito.


"As we pursue this long overdue project, I ask every Filipino to give PhilSys a chance so that we may maximize the advantages of a universal and secure database that will make transactions more efficient and our lives more convenient," ani Pangulong Duterte sa isang taped message.


Gayunman, ipinaalala ni P-Duterte sa publiko na patuloy na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sakaling magpaparehistro para sa ID system.


“PhilSys will uphold the privacy of all personal information," dagdag pa ng pangulo.


Nito lamang Marso 3, natanggap na ni Pangulong Duterte ang kanyang PhilSys ID.


Samantala, ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang inatasan na pangunahan ang ID system sa bansa, katuwang ang isang policy board na mula sa National Economic and Development Authority at iba pang government agencies.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 17, 2021




Iimbestigahan na ng PTV ang kumalat na hashtag #DutertePalpak sa social media account ng kanilang network.


Sa kumalat na post na mabilis na nag-trending at binura na, mababasang: “President Rodrigo R. #dutertepalpak BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.”


Pahayag naman ng PTV, “At around 7:00 PM, a post of PTV on Twitter circulated with the wrong hashtag, which was never in the original caption which reads: "‘President Rodrigo R. Duterte reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.’


“PTV is currently investigating the intent behind this malicious post. Our apologies.”


 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2021





Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kasalukuyang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases ay hindi na dapat na ipangamba ng publiko.


Sa kanyang weekly address to the nation ngayong Lunes, hiniling ni Pangulong Duterte sa mga mamamayan na huwag mawawalan ng pag-asa sa kabila ng pandemya ng COVID-19.


"Kaya natin ito, itong COVID-19. Maliit na bagay lang ito. Madami tayong nadaanan. Huwag kayong matakot, hindi ko kayo iwanan," ani P-Duterte.


Ito ang naging pahayag ng Punong Ehekutibo matapos na ang buong Metro Manila ay magpatupad ng curfew na sinimulan ngayong Lunes nang alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga na tatagal ng dalawang linggo (March 15-March 31).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page