top of page
Search

ni Lolet Abania | March 30, 2021




Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ang bagong special amelioration program para sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble gaya ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.


Sa weekly talk to the people ni Pangulong Duterte, ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, may kabuuang 22.9 milyong low-income na indibidwal ang makakatanggap ng P1,000 in kind sa ilalim ng dole out program.


Binanggit din ni Avisado na ang Department of Budget and Management ay agad na magpapalabas ng P22.9 billion pondo na ibibigay sa mga local government units na nasa NCR Plus bubble para sa distribusyon ng mga goods.


Ang benepisyong ito ay limitadong matatanggap ng pamilyang may apat na miyembro lamang.


Samantala, hindi nabigyang-linaw ng Pangulo kung anong tulong ang maibibigay sa mga pamilyang may 5 miyembro at higit pa.


 
 

ni Lolet Abania | March 29, 2021




Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talk to the nation ngayong Lunes nang gabi ang pagsasailalim sa maraming lugar sa modified enhanced community quarantine at general community quarantine dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.


Narito ang tala ng quarantine classification sa iba't ibang lugar sa bansa.




 
 

ni Lolet Abania | March 23, 2021




Muling binomba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko patungkol sa COVID-19 response ng gobyerno habang patuloy ang pagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus sa bansa.


“It's a classic case of you want to appear white, you paint the other guy black para ang labas mo puting-puti ka. Si Mr. Clean, parang ganoon.


Style bulok,” ani Pangulong Duterte sa kanyang weekly televised briefing ngayong Lunes.


Sinagot ni P-Duterte ang tanong na ibinabato nina Senators Panfilo Lacson at Risa Hontiveros kung bakit mabagal ang supply ng vaccine samantalang billion loans ang pinayagang makuha ng Pilipinas.


Ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo na ang perang inuutang ng bansa para sa vaccine procurement ay nananatili pa rin sa mga lending banks. “Ang buong akala kasi nila ‘yung pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa Kongreso, nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash, nasa’n na raw ‘yung pera?” ani P-Duterte.


“If you are afraid of corruption, let your mind go easy because these things are not susceptible to anything. The money is in the hands of the banks and they collect -- ’yung nagpabili sa atin ng bakuna -- from the bank, hindi sa atin,” dagdag pa ng Pangulo.


Matatandaang nakapag-secure ang bansa ng $900 million loans (tinatayang P43.65 billion), kung saan $400 million mula sa Asian Development Bank habang $500 million mula sa World Bank upang mapondohan ang pagbili ng COVID-19 vaccines ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page