top of page
Search

P-Digong


ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 6, 2021


ree

Muling tuturukan ng Sinopharm vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang second dose ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.


Kamakailan ay nagdesisyon si P-Duterte na ibalik ang 1,000 Sinopharm doses donation ng China dahil hindi pa ito nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) sa bansa.


Saad naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Siyempre, hindi ibabalik ‘yung pang-second dose ni Presidente para matapos niya ang second dose niya.”


Noong Lunes, binakunahan si P-Duterte gamit ang Sinopharm at nu’ng Miyerkules, humingi siya ng paumanhin sa mga medical experts at pinababalik nito kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang 1,000 vaccines upang maiwasan umano ang mga kritisismo dahil hindi pa aprubado ng FDA ang naturang bakuna ngunit ginamit na ng pangulo dahil sa compassionate special permit (CSP).


Ayon kay Sec. Roque, “Sabi ni Presidente, para mawala na ‘yung ganyang kritisismo at habang siya pa lang ang gumagamit sa 1,000 na pagbakuna, siyempre, mas mabuting ibalik na muna sa Tsina.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021


ree

Nagpabakuna na laban sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi gamit ang Sinopharm vaccine ng China.


Sa Facebook Live ni Senator Bong Go, makikitang si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay P-Duterte.


Samantala, matatandaang sinabi ng Palasyo na isasagawa nang pribado ang pagbabakuna sa pangulo dahil sa puwet umano nito nais magpaturok.


Sabi pa noon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “I think so. He has said so. Sabi niya nga, dahil sa puwet siya magpapasaksak, so hindi pupuwedeng public.”


Ngunit sa FB Live ni Sen. Go, makikitang sa braso nagpaturok si P-Duterte.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021


ree

Pinabulaanan ng Malacañang na hindi pinansin ng China ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapaalis sa mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).


Noong Abril, iniulat ng task force na may mga namataang 220 Chinese militia vessels sa WPS.


Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang aabot sa 201 barko ang umalis sa WPS matapos makipag-ugnayan si P-Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.


Pahayag pa ni Roque sa kanyang press briefing, "Hindi po totoo na in-ignore ang ating Presidente… 201 fishing vessels ang umalis and all because of the message of the President and the warm relations we enjoy with China.


"Doon sa natitirang kaunti, we are still hoping aalis sila."


Sa nakaraang public speech ni P-Duterte, aniya ay malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China ngayong nakikibaka ang bansa laban sa COVID-19 pandemic ngunit aniya, ang territorial waters ng ‘Pinas ay "cannot be bargained."


Samantala, matatandaang kamakailan ay nagsampa na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa patuloy na presensiya ng mga Chinese vessels sa WPS.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page