top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 13, 2021



ree

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa 123rd Independence Day na ginanap sa Bulacan Capitol Grounds sa Malolos, Bulacan noong Sabado. Kasamang dumalo ni P-Duterte sina Senator Bong Go, Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, PNP Chief Guillermo Eleazar, at Armed Forces Chief Cirilito Sobejana.


Naroon din sina National Historical Commission of the Philippines Chairperson Dr. Rene Escalante, Bulacan Governor Daniel Fernando, at Malolos Mayor Gilbert Gatchalian. Nagbigay-pugay din si P-Duterte sa mga bayaning sina Heneral Gregorio Del Pilar at Marcelo H. Del Pilar.


Samantala, mensahe rin ni P-Duterte sa mga Pilipino, sundan ang yapak ng mga magigiting na bayani lalo na ngayong panahon ng pandemya at nagbigay-pugay din siya sa mga health workers, atbp. frontliners.


Aniya pa, "The Philippines has indeed come a long way since the time of the heroes we honor today. We are now a nation that is modern, progressive, and ever-thriving.


"However, our continued progress will only be possible if we have a strong understanding and appreciation of the liberties that we enjoy today. Let us move forward in solidarity and give greater meaning to the freedom of our forebearers achieved for us."


Ayon din kay P-Duterte, magkakaroon na rin ng Wall of Heroes sa Libingan ng mga Bayani bilang pagbibigay-pugay sa mga namatay na health workers.


Aniya pa, “At lahat ng mga namatay — mga doctors, mga nurses… will be honored by their name inscribed in that wall. It is now being built, and I’d like to thank the Armed Forces of the Philippines for their pagmamalasakit.”


 
 

ni Lolet Abania | June 9, 2021



ree

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang problema at nararanasang matinding trapiko sa EDSA ay nalutas na. “Ang traffic sa EDSA maluwag na,” ani Pangulong Duterte sa isang interview ni Pastor Apollo Quiboloy sa SMNI News kagabi.


“But early on sa administration ko, it was a crisis. So, ang mga advise nina Tugade, ‘yung mga bright boys ko, sabi nila, manghiram tayo ng pera. We can maybe adopt an MRT or somewhere paakyat. Pero basta we need money,” saad ng Pangulo.


“Ito ngayon, sa taas, kita mo, ito na lang ang ibinuhos ko, ‘yung mga grant-grant, doon ko ibinuhos ‘yung pera. Ngayon, maluwag na ‘yung traffic ng Maynila. Talagang if you go to Cubao, airport, it’s about 15 minutes,” dagdag niya.


Ang pagkumpleto sa kabuuang 18-kilometer stretch ng Metro Manila Skyway Stage 3 project, kung saan nag-uugnay sa northern at southern portion ng Metro Manila, ang siyang nagpaluwag sa daloy ng trapiko sa EDSA at nagdulot ng kabawasan sa oras ng pagbibiyahe ng mga motorista sa loob ng end points nito mula sa nagsisiksikang populasyon sa metropolis.


Matatandaang inaprubahan ang proyekto noong September, 2013 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Aquino III. Inianunsiyo naman ng conglomerate San Miguel Corp., ang private developer ng proyekto, ang completion nito noong October, 2020, habang opisyal na binuksan ang skyway nitong January, 2021.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), matapos na buksan ang Metro Manila Skyway Stage 3, ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay naging maayos na.

 
 

ni Lolet Abania | May 20, 2021



ree

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna ng donasyong Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa indigent population, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Ayon kay Roque, ibinaba ng Pangulo ang direktiba batay sa kondisyon na ibinigay ng global aid na COVAX Facility na nag-donate ng 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na nai-deliver na sa bansa.


“Ipinag-utos ni Presidente na ibigay ang Pfizer sa mahihirap at indigent population. Under COVAX guidelines, it is A1, A2, A3 and A5,” ani Roque sa press briefing ngayong Huwebes.


Sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno, ang A1 ay mga health workers, A2 ay mga senior citizens, A3 ay mga taong may comorbidities habang ang A5 ay mga mahihirap at indigents.


Ang A4 naman ay mga essential workers o mga kinakailangang mag-report physically sa trabaho sa kabila ng umiiral na quarantine restrictions.


“Iyong Pfizer, hindi po ‘yan ilalagay sa mall. Ilalagay ‘yan sa barangays na mababa ang uptake ng vaccine,” diin ni Roque.


“On A4, we will use the ones (vaccines) paid for by the government,” dagdag ng kalihim.


Batay sa naging evaluation ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa, ang Pfizer-BioNTech ay may efficacy rate na 95% sa isinagawang study population habang may 92% naman na angkop para sa lahat ng lahi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page