top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Oct. 25, 2024



File Photo: Rodrigo Duterte - PTV File - FB


Inimbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ilang kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK), at 30 iba pa na dumalo sa imbestigasyon ng Senado ukol sa kontrobersyal na kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.


Isasagawa ng Senate Blue Ribbon subcommittee, na pangungunahan ni Sen. Koko Pimentel, ang unang pagdinig sa darating na Oktubre 28.


Bukod kay Duterte, inimbitahan din sina dating Sen. Leila de Lima at iba pang mga personalidad na may kaugnayan sa war on drugs tulad ni dating PCSO General Manager retired Police Col. Royina Garma, at dating alkalde ng Iloilo City na si Jed Mabilog.


Ayon kay Sen. Joel Villanueva, na magsisilbing vice chair ng subcommittee, ang presensya ni Duterte ang magiging bagong elemento na maihahain ng Senado sa pagdinig, nilinaw niya ring magalang na tatratuhin ang dating presidente sa gaganaping imbestigasyon.

 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 22, 2024



Photo: Leila De Lima at Rodrigo Duterte - FB

 

Nagpahayag si dating Senadora at Justice Sec. Leila de Lima nitong Martes na hindi mapipigilan ng pamahalaan ng 'Pinas ang International Criminal Court (ICC) sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal kaugnay ng war on drugs.


Ayon kay De Lima, ang nasabing mga krimen ay may kaparusahan sa ilalim ng batas ng bansa. Tinukoy niya ang Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, na nagpaparusa sa mga krimen laban sa mga indibidwal tulad ng: sadyang pagpatay, extermination, enslavement, arbitrary deportation, pagkakulong o iba pang malubhang paglabag sa kalayaan na umaapak sa mga batayang patakaran ng batas pang-internasyonal at pagpapahirap o torture.


Kasama rin sa mga krimen laban sa mamamayan ang iba pang hindi makataong gawain na may katulad na katangian, o sadyang nagdudulot ng matinding pagdurusa at malubhang pinsala sa katawan, isipan, kalusugan, at iba pa. “Hindi natin [puwedeng] pigilan ang ICC [na mag-imbestiga].


Du'n sila nakatutok [du'n] sa may greatest responsibility,” saad ni de Lima sa mga mambabatas sa imbestigasyon ng House QuadComm kadikit ng war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte. Matatandaang iniimbestigahan na si Duterte at iba pang matataas na opisyal sa kanyang administrasyon ng ICC kaugnay ng mga nasabing krimen kadikit ng marahas na pagpatay sa mga nakaladkad sa isyu ng droga.


Ayon sa mga record ng pulisya, umabot sa humigit-kumulang 6K ang mga namatay, ngunit iginiit ng mga human rights groups na umabot ito sa 30K, kasama na ang mga biktima ng pamamaslang ng mga ‘vigilante,’ na bunga ng polisiya ni Duterte.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Oct. 14, 2024



Photo: Larawan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte / Page


Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kinikilala ang kanilang mga sarili bilang pro-Marcos sa ikatlong quarter, habang bumaba naman ang bilang ng mga pro-Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.


Batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey na inilabas ngayong Lunes, 38% ng mga adult na Pilipino ang nagpakilalang pro-Marcos, na tumaas ng 2% mula sa survey noong ikalawang quarter ng Marso.


Samantala, 15% ng mga Pilipino ang nagpakilalang pro-Duterte, na bumaba ng 1% mula sa nakaraang survey. “On the other hand, 26% of adult Filipinos consider themselves independent or individuals who do not identify themselves as pro-Marcos, pro-Duterte, or the opposition, a five percent decrease from the previous TNM survey conducted in the second quarter of 2024,” ani OCTA.


Ayon sa OCTA, habang ang mga natuklasan ay nagpapakita ng kaunting pagbabago sa pambansang antas para sa ikatlong quarter, nagpapahiwatig naman ang pagsusuri ng datos sa nakaraang tatlong quarter ng 2024 ng “patuloy na pagtaas” ng mga taong kinikilala bilang sumusuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at isang “patuloy na pagbaba” ng mga sumusuporta sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakuha ang datos mula sa survey sa pamamagitan ng harapang interbyu sa higit sa 1,200 na respondente sa buong bansa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2024.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page