top of page
Search

ni Lolet Abania | September 15, 2021


ree

Nagpahayag na ng pagsuporta si Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential bid ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa national at local elections sa 2022.


“Mayroong maayos na kasunduan si Pangulong Duterte sa aming kani-kanyang karera sa pulitika. Ibigay po natin sa kanya ang pinakamalakas na suporta na tumakbong vice president,” ani Mayor Sara sa isang video message ngayong Miyerkules.


“Ang sigaw ng suporta ng Davaoeños ang pagiging laging masunurin sa batas,” dagdag ng alkalde. Matatandaang sinabi ni Mayor Sara na hindi niya susuportahan ang tandem nina Senador Bong Go at kanyang ama sa 2022 elections kahit pa inianunsiyo niyang hindi siya tatakbo sa pagkapangulo.


Gayunman, pormal na tinanggap ni Pangulong Duterte ang desisyon ng ruling party PDP-Laban na tumakbo siya pagka-bise-presidente, habang si Go ay tinanggihan ang nominasyon ng partido na tumakbo sa pagkapangulo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021


ree

Itinalaga bilang Undersecretary ng Office of the President ang kontrobersiyal na Ex-PNP chief na si Debold Sinas.


Ito ay kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Sabado.


Si Sinas ay naglingkod bilang 25th chief ng PNP sa loob ng 6 na buwan mula Nobyembre 2020 hanggang retirement nito noong May 7, 2021.


Matatandaang naging kontrobersiyal si Sinas matapos magdaos ng kanyang birthday, na nilahukan nang pagkarami-raming tao sa kalagitnaan ng lockdown laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 
 

ni Lolet Abania | September 9, 2021


ree

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired military officer Antonio Parlade Jr. bilang deputy director-general ng National Security Council, batay sa pahayag ng Malacañang ngayong Huwebes.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Parlade nitong Miyerkules.


“Deputy Director-General [DDG] Parlade faithfully served the Armed Forces of the Philippines for many years until his retirement from the service. We are therefore confident that his length of fruitful service in the military would immensely contribute to the crafting of plans and policies affecting national security,” ani Roque.


“We wish DDG Parlade well in his new assignment,” dagdag ng kalihim.


Matatandaang isa si Parlade sa mga spokespersons ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Naging kontrobersiyal si Parlade matapos ang mga binitawan nitong mainit na pahayag hinggil sa pagkakaugnay umano ng ilang personalidad sa communist movement.


Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang designation ni Parlade bilang spokesperson ng naturang ahensiya ay paglabag sa constitutional prohibition hinggil sa pagtatalaga ng isang aktibong miyembro ng Armed Forces sa isang civilian position sa gobyerno.


Gayunman, nag-resign si Parlade sa NTF-ELCAC bago pa umabot sa kanyang retirement noong Hulyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page