top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 26, 2021


ree

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang mapayapang halalan sa 2022.


Bagama't walang binanggit na grupong posibleng manggulo, nagbabala ang presidente na pakikilusin niya ang militar para mapanatili ang kaayusan sa eleksyon.


"Nobody wants trouble, nobody wants cheating. . . . Nakikiusap na ako, I am pleading, almost praying that people will really stick to the rule of law and avoid violence kasi ‘pag hindi, unahan ko na kayo. Then I will be forced to use the might of the military not for any purpose but to see to it that the election is peaceful and violence-free," sabi niya sa kanyang speech sa inauguration and unveiling of marker ng bagong Sultan Kudarat Provincial Hospital nitong Biyernes.


"Either we have an election that is free or I will use the military to see that the election is free. The military is the guardian of our country and I could call them anytime to see to it that people are protected and election’s freely, orderly exercised," dagdag niya.

 
 

ni Lolet Abania | September 23, 2021


ree

Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban Cusi faction para sa pagtakbo niya bilang bise-presidente sa 2022 elections.


Naglabas ng isang larawan ang PDP-Laban Cusi faction habang makikitang pinipirmahan ni Pangulong Duterte ang Certificate of Nomination Acceptance (CONA) para kumpirmahin ang pagtanggap niya sa nominasyon.


Nang tanungin naman sa kanyang regular na press briefing ngayong Huwebes kung ang desisyon ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente ay pinal na, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala siyang physical access sa Pangulo sa ngayon dahil siya ay isinailalim sa facility quarantine.


Gayunman, ipinahayag ni Roque sa publiko na hintayin na lang ang magiging development nito sa Oktubre 8, ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy hanggang Nobyembre 15, ang huling araw naman ng substitution o pagpapalit ng opisyal na kandidato.


Matatandaan na noong Setyembre 8, verbal na tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon sa ginanap na national assembly ng PDP-Laban faction na pinamunuan ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi.


Para sa pagka-pangulo, pinili naman ng naturang faction si Senador Bong Go subalit tinanggihan niya ito. Si Go ay isang long-time aide ng mga Duterte.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 23, 2021


ree

Hindi na required ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Required na lang ito sa closed, crowded, at close-contact areas gaya sa ospital.


“No more face shields outside... Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield," ani Duterte sa kanyang second public address sa linggong ito.


"Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department," dagdag niya.


Ang mga guidelines ukol dito ay ipinag-uutos ni Pangulong Duterte na isapubliko sa lalong madaling panahon.


Matatandaang naging malaking usapin ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar, lalo’t isa umano ito sa karagdagabg gastos ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page