- BULGAR
- Oct 19, 2021
ni Lolet Abania | October 19, 2021

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jesus Melchor Vega Quitain bilang bagong chief presidential legal counsel, kapalit ni Salvador Panelo, na tatakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Martes, 10 araw matapos na si Panelo ay maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa eleksyon sa susunod na taon, kung saan binakantehan ang kanyang puwesto bilang chief presidential legal counsel.
Una nang nagsilbi si Quitain bilang undersecretary sa ilalim ng Office of the Special Assistant to the President.
Gayunman, ayon kay Roque, wala pang napili si Pangulong Duterte na ipapalit kina dating Department of Information and Communications Secretary Gregorio Honasan at dating Department of Agrarian Reform Secretary John Castriciones.
Parehong sina Honasan at Castriciones ay naghain din ng COC sa pagka-senador sa 2022 elections.






