top of page
Search

ni Lolet Abania | November 10, 2021


ree

Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Security Group Station Hospital (PSGSH) sa Malacañang Park, Manila, ngayong Miyerkules, habang inilarawan niya ito bilang pinakamagandang ospital na nakita niya sa kanyang buhay.


Ang 800-square meter na ospital, kung saan magke-cater sa pangangailangan ng Pangulo, gayundin sa mga PSG members at kanilang dependents, ay mayroong emergency room, intensive care unit (ICU), out-patient department, laboratory, dental complex, radiology/imaging area, hyperbaric oxygen treatment complex, neuro at physical services, nursing unit o ward, private rooms at isang presidential suite.


“I’ve been operated on in different hospitals in the span of my life. It’s the most beautiful hospital I’ve ever seen,” ani Pangulo.


“Ang sarap nang mamatay sa kagandahan. Truly, this is a proud day for all of us,” dagdag ni Pangulo Duterte. Ayon sa Punong Ehekutibo, ang konstruksiyon ng PSG hospital ay isang kahanga-hangang gawa sa kabila ito ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.


“This new PSG hospital is a testament to the administration’s commitment to provide quality medical services to our troops,” sabi niya.


“I encourage all PSG personnel to take advantage of the broad range of hospital services and state of the art facilities made available to you,” pahayag pa ng Pangulo.


 
 

ni Lolet Abania | November 5, 2021


ree

Kinumpirma ng Malacañang ngayong Biyernes na kinukonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.


“He is considering it,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing, nang tanungin para kumpirmahin ang pahayag ni Senador Bong Go sa posibilidad na tumakbo sa senatorial race si Pangulong Duterte.


“As far as I know, wala pa pong pinal na desisyon,” sabi ni Roque.

Si Pangulong Duterte ay hindi naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa 2022 polls sa panahon ng filing period nito noong Oktubre 1 hanggang 8.


Gayunman, siya ay maaaring tumakbo sa Senate race sa pamamagitan ng pag-substitute sa sinumang miyembro ng kanyang political party, ang PDP-

Laban, na naghain ng COC para sa pagka-senador.


Ang substitution ay maaaring gawin ng hanggang Nobyembre 15.

Matatandaang ipinahayag ng 76-anyos na si Pangulong Duterte na tatakbo siya sa vice presidential race sa 2022, subalit nagdesisyon ding hindi na ituloy at sinabing magreretiro na lamang siya sa pulitika.


Nangangahulugan umano na posibleng ang anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ay sasabak sa 2022 presidential race sa pamamagitan ng substitution.

Sa pareho ring briefing, umaasa naman si Roque sa isang “miracle” o milagro na si Mayor Sara ay tatakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.


Si Mayor Sara ay naghain ng kanyang COC para sa reelection, subalit maaari pa rin siyang tumakbo sa pagka-pangulo via substitution.


Maging si Roque mismo ay may balak na tumakbo sa Senado sa 2022. Subalit, siya rin ay hindi nag-file ng kanyang COC sa panahon ng filing period.


 
 

ni Lolet Abania | November 4, 2021


ree

Ganap nang batas matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang measure hinggil sa mas mataas na kaparusahan para sa mga nahatulan ng perjury.


Sa ilalim ng Republic Act 11594, kung saan naamyendahan ang Article 183 of the Revised Penal Code, ang kasong perjury ay papatawan na ngayon ng parusa na tinatawag na prision mayor na may minimum period (mula 6 na taon at 1 araw hanggang 8 taon pagkakulong) hanggang medium period (mula 8 taon at 1 araw hanggang 10 taon pagkabilanggo).


Ang mahahatulang guilty na indibidwal ay pagmumultahin din ng hindi lalagpas sa P1 milyon at papatawan ng perpetual at absolute disqualification sa paghawak ng anumang public office, sakaling siya ay isang public officer o empleyado.


Siya rin ay mahaharap sa pagkakulong na may maximum period na 12 taon.


Batay sa bagong batas, “perjury is committed when an individual ‘knowingly’ makes untruthful statements under oath or ‘make an affidavit, upon any material matter before a competent person authorized to administer an oath in cases in which the law so requires.’”


Bago naamyendahan ang naturang batas, ang dating maximum penalty para sa kasong perjury ay pagkakakulong lamang ng dalawang taon at dalawang buwan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page