top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 19, 2022



ree

Ilang beses nang tumanggi si Robin Padilla na pumasok sa political arena at tumakbo sa anumang posisyon. Ilang eleksiyon na ang nagdaan na inaalok siya ng malalaking grupo upang kumandidato.


Ramdam kasi ng lahat ang lakas ng karisma sa tao ng tinaguriang 'Bad Boy' ng Philippine Cinema. Maraming kalalakihan ang umiidolo kay Robin dahil sa kanyang superhero image.


Likas na mabait, humble at matulungin sa kapwa si Binoe. Bukas-palad siya kung mag-share. Tumutulong siya nang walang hinihinging kapalit.


Marami ang natuwa nang tanggapin ni Robin ang alok upang mapasama siya sa line-up ng mga senatoriables ng BBM-Sara Duterte UniTeam. Pero, kaliwa't kanan ang banat sa kanya ng mga bashers. Nilalait siya at pinagtatawanan. Wala raw “K” maging senador si Robin dahil wala naman siyang natapos na kurso at kapos sa kaalaman.


Well, sa halip na magalit at mapikon ay naglitanya si Robin sa background ng angkang Padilla. Ang kanyang yumaong ama na si Roy Padilla ay naging gobernador ng Camarines Norte. Mahal na mahal ng kanyang mga kapwa Bikolano si Roy Padilla.


Kamag-anak din nina Robin ang dating senador na si Ambrocio Padilla. Tubong-Nueva Ecija ang mga Padilla, pero ang iba ay nasa Baguio at Bikol.


Related din sina Robin sa aktor na si Jose Padilla, Jr.. Sa mga artista, kamag-anak nina Robin sina Rudy Fernandez, Zsa Zsa Padilla, Amy Perez at Daniel Padilla.


Marami ang nagsasabing ang destiny sa pulitika ni Binoe ay nakatakda at nakaguhit sa kanyang kapalaran. Siya ang magtutuloy ng legacy ng mga Padilla sa political arena.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 17, 2022


ree

Inanunsiyo ni Lakas CMD Vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte-Carpio na ang aktor na si Robin Padilla ang kukumpleto sa senatorial slate ng BBM-Sara UniTeam.


Ito ay inanunsiyo ni Duterte-Carpio sa isinagawang campaign rally sa Paoay, Ilocos Norte.


"Twelve na po kaming ngayong araw na ito," aniya.


Ang iba pang miyembro ng Unitem slate ay sina:



* former Public Works secretary Mark Villar

* former Palace spokesperson Harry Roque

* former Quezon City Mayor Herbert Bautista

* former Defense secretary Gibo Teodoro

* former senator Loren Legarda

* lawyer Larry Gadon

* Senator Migz Zubiri

* Senator Sherwin Gatchalian

* former Information and Communications secretary Gringo Honasan

* former senator Jinggoy Estrada

* House Deputy Speaker Rodante Marcoleta


Si Padilla, na nanumpa bilang miyembro ng ruling party na PDP-Laban noong Oktubre, ay sinuportahan at ikinampanya si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 national elections.

 
 

ni Lolet Abania | October 8, 2021


ree

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang aktor na si Robin Padilla para tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national elections ngayong Biyernes.


Si Padilla ay nasa ilalim ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kilalang supporter ni Pangulong Duterte si Padilla, kung saan nabigyan ang aktor ng executive clemency noong 2016.


Noong 1994 na-convict si Padilla dahil sa kasong illegal possession of firearms at nasentensiyahan ng 17 hanggang 21 taong pagkabilanggo noong 1996.


Matapos na makulong ng dalawang taon, napagkalooban si Padilla ng pardoned ni dating Pangulo Fidel Ramos at nagbalik sa show business.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page