top of page
Search

ni Lolet Abania | October 1, 2022



Nagpapagaling na si Senator Robinhood “Robin” Padilla matapos na sumailalim sa isang heart procedure kamakailan, ayon sa wife nitong si Mariel Rodriguez.


“We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers,” caption ni Mariel sa Instagram.


Sa isang short clip, nai-share ng actress-TV host ang ilang kuha kasama ang husband niya habang nasa ospital.


Si Senator Robin, na nagmula sa showbiz at pumasok sa pulitika, kung saan nag-top pa sa 2022 senatorial race, ay aktibong ikinakampanya ang pagre-revise ng 1987 Constitution.


Noong nakaraang buwan lamang, iginiit ng senador na kinakailangang nang i-“adjust” ang kasalukuyang Constitution para mapaunlakan ang mga pagbabago sa lipunan kung saan aniya, ang Charter ay nai-draft na sa loob ng nakalipas na tatlong dekada.

 
 

ni Zel Fernandez | May 13, 2022


ree

Kasabay ng napipintong pagkahalal ng nangunguna sa bilangan sa pagka-senador na si Robin Padilla, kinuha nito si Atty. Salvador Panelo na maging legislative assistant, adviser, at mentor sa oras na maupo na ang aktor-pulitiko sa Senado.


Sa Facebook post ni Padilla, aminado itong hindi magiging madali ang pagpapalit ng Saligang Batas kaya kailangan umano niya ng pambato sa usapin ng batas.


Pahayag ni Padilla, "Bismillah. Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado. Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution. Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado, isa lang ang sinigurado namin dalawa: Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon”.


Karugtong ng naturang post ay, “Si SALVADOR PANELO ang aking legislative consultant, adviser at mentor. Walang tatalo kay sal panalo panelo! Mabuhay ang parliamentaryo. Mabuhay ang Federalismo. Mabuhay ang PDP laban. Mabuhay ang Pilipino. Mabuhay ang inangbayan Pilipinas".


Agad namang tumugon si Panelo sa naturang Facebook post ni Padilla at nagpahayag ng pagtanggap sa alok ng mauupong senador na maging katuwang nito sa pagsusulong ng mga adhikain at iba pang plataporma sa Senado.


Ani Panelo sa kanyang FB comment, “Maraming salamat Sen. Robin Padilla! Isang karangalan na patuloy na maglingkod sa bayan bilang katuwang mo na pinagkatiwalaan ng 26 milyong Pilipino! Makaasa ka na ibubuhos ko ang aking sarili para tulungan kang palitan ang Saligang Batas para wakasan na ang bulok na sistema na bumibilanggo sa ating bansa."


“Marami ding salamat sa pangako mo na pagsulong sa mga panukalang batas para sa children with special needs/ disabilities. Dahil dyan ay parang nanalo na din ako!” pagtatapos ni Panelo.


Samantala, nauna nang nabanggit ni Binoe sa mga naging panayam sa kanya na isa sa mga platapormang nais nitong isulong kapag ganap nang senador ay ang Federalismo.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 23, 2022


ree

Hats-off kay Robin Padilla ang comedian-financial adviser-vlogger na si Chinkee Tan. Bilib na bilib si Chinkee sa pagiging simple at kuripot ni Binoe. Napanood kasi niya ang vlog ni Mariel Padilla kung saan binanggit nito na hindi brand conscious si Robin pagdating sa kanyang mga gamit.


Kahit na anong klaseng brand ng t-shirt, kahit na mumurahin at sa palengke lang binili ay isinusuot ng kanyang mister.


Maging sa mga sapatos ay hindi rin mapili si Robin. Basta komportable siya sa suot na sapatos ay hindi mahalaga kung locally made ito.


Ganu'n kasimpleng mamuhay si Binoe at hindi siya ang tipo na gagastos nang malaki para lang sa mga branded t-shirts at sapatos.


Para kay Chinkee Tan, maganda ang attitude na ito ni Robin Padilla sa kanyang buhay. Hindi siya maluho at hindi katulad ng ibang sikat na artista na ipinagyayabang na puro imported at branded ang mga gamit.


At maging sa pagkain ay simple lang ang gusto ni Robin Padilla. Masang-masa pa rin siya.


Kaya tiyak na malaking impluwensiya siya kay Mariel na mahilig magbibili noon ng mga branded na gamit, bagama't hindi naman pinipigilan ni Robin ang misis na mag-shopping ng mga bagay na gusto nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page