top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 18, 2021


ree

Pormal nang inilunsad ng Philippine Postal Corp. (PhlPost) ang commemorative stamp ng PBA living legend na si Robert Jaworski.


Ito ay kasabay ng simula ng selebrasyon ng 75th anniversary ng PhilPost.


Hindi nakadalo si Jaworski sa event dahil sa nararanasang blood disorder pero dumalo bilang kanyang kinatawan ang kanyang anak na si Robert “Dodot” Jr.


Dumalo rin ang mga players ng Barangay Ginebra na sina Japeth Aguilar, Mark Caguioa, Joe Devance, Stanley Pringle, LA Tenorio at Scottie Thompson sa naturang event.


Matatandaang ang Barangay Ginebra ay ang PBA club na pinasikat ni Jawo na siya ring pinanggalingan ng “never say die” spirit.

 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021


ree

Inihayag ni Robert “Dodot” Jaworski Jr. na ang kanyang ama na si PBA great Robert “Sonny” Jaworski ay patungo na sa full recovery matapos na tamaan ng pneumonia noong nakaraang taon.


Gayunman, inamin ni Dodot na ang kanyang ama ay nakikipaglaban sa isang rare blood ailment na dahil dito madali siyang tamaan ng ibang sakit.


“Mayroon siyang blood disease eh. It’s a problem na elevated ang kanyang iron... pero at the same time anemic siya,” ani Dodot sa isang interview. “For the past so many years, we’ve been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand anong nangyayari sa kanya… He’s okay naman but he’s not 100% physical strength.”


Si Jaworski na kilala rin sa tawag na “Big J” ay isa sa pinakaminahal ng lahat pagdating sa history ng basketball sa Pilipinas. Naging tatak niya ang “never say die” spirit ng Ginebra, na naging phenomenon, kung saan buhay na buhay pa rin ito sa kasalukuyan. Tinawag din siyang “Living Legend” ng Philippine basketball dahil sa pagtataglay ni Sonny Jaworski ng mahabang PBA career.


Subalit, ayon kay Dodot sa tagal ng basketball career ng kanyang ama, nagdulot umano ito ng panghihina ng kanyang katawan. “Sa long exposure niya sa physical strain ng hardcourt, siyempre lumalabas ang sakit ng tuhod, sakit sa likod,” ani batang Jaworski. “Inaalagaan siya sa bahay niya sa Corinthians. There are days he’s in high spirits, doing very well. May mga araw lang namang tahimik din siya. Sana nga bumalik ‘yung kanyang sigla at lakas.”


Sinabi rin ni Dodot na ang pagkakaroon umano ng tinatawag na elevated iron o mataas na iron sa katawan ang dahilan kaya ang kanyang ama ay nakatagal sa basketball. Pero ang kanyang kalusugan ay mabilis na nagbago habang tumatanda ito.


“He retired from the PBA at the age of 50. It could be ‘yung high iron levels is one of the reasons why parang naging super active siya compared to the others. Now ngayong nagkaka-edad siya, it could be the reason why humina siyang bigla,” paliwanag ni Dodot.


Humiling naman ng panalangin si Dodot para sa full recovery ng kanyang ama. “Sa lahat ng mga fans... we thank you for the well wishes, pero kailangan po ng dasal para tuluyan na siyang gumaling,” sabi pa niya.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 9, 2021


ree

Nakatakdang ilunsad ng Philippine Postal Corporation ang kauna-unahang stamp tampok si basketball legend Robert Jaworski.


Ito ay para sa 75th anniversary celebration ng tangapan ngayong buwan.


Inaasahang ilalabas ang limited-edition Jaworski stamp, na may temang “personalities who inspired Pinoys to become greater,” sa Oktubre 16 para sa mga basketball fan at stamp collector.


Ang stamp ni Jawo ang kauna-unahang feature na isang basketball player sa bansa.


Bukod sa ‘never say die’ spirit, kilala rin si Jaworski, 75, na nag-13-time champion, Hall of Famer, 25 Greatest Player of All Time at Barangay Ginebra San Miguel legend sa Philippine Basketball Association.


Matapos ang paglalabas ng limited stamp ukol kay Jawo, susundan din ito ng iba pang mga living legends sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page