top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022


ree

Inanunsiyo ni Mayor Richard Gomez ng Ormoc City, Leyte na hindi magsasagawa ng caravans at motorcades ang kanyang team sa pagsisimula ng campaign period para sa mga kandidato sa local posts simula sa susunod na linggo.


Sa isang pahayag, si Gomez na tumatakbo bilang congressman ng fourth congressional district ng lalawigan ay sinabing ang desisyon nilang huwag magsagawa ng caravan o motorcade ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


“Let us be considerate. There will be no motorcade since the prices of oil and gasoline are expensive,” aniya.


Sa simula ng kampanya sa March 25, ang grupo ni Gomez ay magpupunta sa mga barangay matapos dumalo sa 3 p.m. Mass.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021


ree

Nagpositibo sa COVID-19 ang aktor at mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez at kinumpirma niya ito ngayong Sabado.


Saad ni Gomez, “I tested positive for COVID. It could be my exposure from multiple people because of work I do as mayor. But I will be ok.”


Dagdag pa niya, “I will need a lot of rest and will have to be in isolation until I’m better…I will go back to work as soon as doctors will give the clearance.


“I ask everyone to continue to be vigilant and safe.”


Samantala, “mild and manageable” naman umano ang sintomas na nararamdaman ng alkalde at kasalukuyan na rin siyang naka-isolate.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page