top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 27, 2023


Nasaksihan ng mga karerista ang galing ni Robin Hood matapos nitong sikwatin ang panalo sa 2023 PHILRACOM "Commissioner's Cup" Division II na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado.


Nanood sa pang-apat na puwesto si Robin Hood habang nagbabanatan sa unahan sina Batang Cabrera at Best Regards, nasa tersero naman si Fortissimo.


Pagdating ng far turn ay nasa unahan na si Fortissimo pero sinundan agad siya ni Robin Hood kaya papalapit ng home turn ay naagaw ng winning horse ang bandera.


Mag-isa na lang sa unahan sa rektahan ang anak nina Oxbow at Malibu Legacy na si Robin Hood na sinakyan ni jockey Ryan Roy Garcia, tinawid nito ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang Fortissimo.


Inirehistro ni Robin Hood ang tiyempong 1:39.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Sandy Javier ang P450,000 premyo.


Nasungkit ni Fortissimo ang second place prize na P150,000 habang tig-P75,000 at P37,500 ang third at fourth placers na sina Black Burn at Shining Vic ayon sa pagkakasunod.


"Mahusay ang pagkakadala ni RR Garcia, walang kahirap-hirap na nakuha ang panalo, malaki ang tsansa na magtutuloy-tuloy ang panalo niya," saad ni Christian Sevilla, veteran karerista.


Samantala, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Aurelio "Reli" de Leon.


Kahapon araw ng Linggo ay may 10 karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 26, 2023


Magkakaalaman ngayong araw kung sino ang tatanghaling kampeon sa ilalargang 2023 PHILRACOM Commissioner's Cup na gaganapin sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas,


Kabilang sa kalahok ay sina reigning Presidential Gold Cup champion Big Lagoon na tiyak na mapapalaban kontra apat na tigasing kabayo sa bansa.


Posibleng magbigay ng magandang laban kay Big Lagoon ay ang mga kampeon din na sina Boss Emong at Super Swerte sa distansiyang 1,600 meter race.


Rerendahan ni class A rider John Alvin Guce si Big Lagoon sa event na nakalaan ang P2.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Bukod kina Boss Emong na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Basco Hernandez at Super Swerte na gagabayan ni Andreu Villegas, ang ibang makakatagisan ng bilis ni Big Lagoon ay sina Gomezian at Basheirrou.


Hahamigin ng winning horse ang P1.5-M premyo, mapupunta ang P562,500 sa second placer habang tig-P312,500 at P125,000 ang third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.


Kukubrahin ng breeder na mananalong kabayo ang P125,000 habang ibubulsa ng second at third ang tig-P75,000 at P50,000 sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, may 10 races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Tazama (2), Hook On D Run (8)

Race 2 - Greater Good (1), Crown In My Head (8)

Race 3 - Boss Emong (4), Big Lagoon (2)

Race 4 - Silver Glow (3), Happy Maggie (6), Air Class (10)

Race 5 - My Sweet Lord (11), Smart Bell (10), Top Posse (12)

Race 6 - Magnolia Yana/Atomic Bomb (11/11A), Super Cong (5)

Race 7 - Gentle Giant (1), May Ten (12)

Race 8 - Our Secret (10), Coastal Road (8), Pagbabago (6)

Race 9 - Apo Ni Maria (4), Himanshi (1), Red Hawk (2)

Race 10 - Captain Det Det/Wild Eagle (9/9A), My dad Bogart (11), Jubilum (5)



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 24, 2023


Maghaharap sina My Jopay at Enigmatic Linden sa Condition Race (19) na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Bukod kina My Jopay at Enigmatic Linden, makakatagisan din nila ng bilis sina Luke Skywalker, Tool Of Choice, Eazacky at Goldsmith sa distansyang 1,200 meter race.


Rerendahan ni class A jockey Kelvin Abobo si Enigmatic Linden habang si JT Pabilic ang gagabay kay My Jopay sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban kina Enigmatic Linden at My Jopay ay si Tool Of Choice na rerendahan ni star jockey Jeffrill Tagulao Zarate.


Nakalaan ang P10,000 added prize para sa winning horse owner sa karerang pakakawalan sa unang race mamayang alas-5:30 ng hapon.


Isa rin sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng pitong tigasing kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa pangatlong karera.


Posibleng maging liyamado sa laban ay ang kalahok na Batang After Seven na gagabayan ni jockey Jomer Estorque.

Ang ibang kasali ay sina Lady Liberty, Burden Of Proof, Top Of The Mark, Mount Ragang at magkakamping Jewel Of The Nile at Windstorm.


Samantala, walong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na maligalig na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga Pili ni Green Lantern:


race 1 - My Jopay (3), Enigmatic Linden (4)

Race 2 - Benjie's Prayer (4), Old Timer (6)

Race 3 - Batang After Seven (6)

Race 4 - Hakeem (2), Darna (1), Noon Charm (3)

Race 5 - Stalag Seventeen (7), Action Rules (8), Ultimate Cat (3)

Race 6 - Laughing Tiger (2), Chase The Gold (5), Haymaker (1)

Race 7 - Sound Barrier (2), Sultanov (4), Hunky Dory (10)

Race 8 - Namaskar (3), Don Albertini (4), Don'T Stop Believin (1)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page