top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 15, 2023


Nalugmok ang mga liyamadista nang manalo si Heartening To See sa 2023 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Stakes race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Batangas, Linggo ng hapon.


Nirendahan ni jockey Peter John "Patar" Guce, inirehistro ng pinaka-dehadong si Heartening To See ang tiyempong 1:13.2 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si M G Yumang ang P720,000 premyo.


Nag-abang muna sa tersero puwesto si Guce at sakay nitong si Heartening To See habang nagtatagisan ng bilis naman sa unahan sina Sonnet Forty Three at Bravemansgame.


Papalapit ng huling kurbada ay kumuha na ng segundo puwesto si Heartening To See at sa rektahan ay nakipagsabayan na ito sa unahan upang manalo ng may kalahating kabayong agwat sa sumegundong si Amor My Love.


Nakopo ni Amor My Love ang P270,000 habang tig- P150,000 at P60,000 ang third at fourth placers na sina Sonnet Forty Three at Bravemansgame ayon sa pagkakasunod.


Pinakawalan sa unang race, nagsaya ang mga dehadista sa dibidendo sa forecast combination na Heartening To See at Amor My Love, (3/2) nagbigay ito ng P1,732.50 kada limang pisong taya.


Maging sa trifecta ay boundary ang mga dehadista dahil P17,855.00 ang ibinigay na dibidendo bawat limang pisong taya.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 14, 2023


Pinabilib ni Open Billing sa kanyang Boss na si Benjamin Abalos Jr. matapos nitong manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System noong Sabado ng hapon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, inirehistro ni Open Billing ang tiyempong 1:24.8 minuto sa 1,400 meter race.


Dahil sa panalo, nasilo ng winning horse owner na si Abalos Jr. ang P10,000 added prize na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Reli de Leon.


Umarangkada sina Chocolate Thunder, Under Pressure at Winged Heart paglabas ng aparato habang nanood sa malayong pang-apat na puwesto si Open Billing.


Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay sina Chocolate Thunder at Under Pressure ang naglutsahan sa unahan, tumutok na lang si Winged Heart at nanatili si Open Billing sa kanyang puwesto.


Pero pagsapit ng far turn ay kumakapit na si Open Billing at pagsungaw ng huling kurbada ay umagaw na ito ng unahan.


Tinawid ni Open Billing ang meta ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang si Winged Heart, tersero si Keep Da Trick at pumang-apat si Under Pressure na sinakyan ni Andreu Villegas.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naman naging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 13, 2023


Nagkaroon ng kauna-unahang Off-Track Betting Station, (OTBs) sa Iloilo noong Miyerkules.


Pinangalanan itong Gambit OTB na nakapuwesto sa Salazar Building sa Cabatuan Public Market.


Magkakaroon ng tsansang tumaya ang mga kareristang mapapadaan o mapapasyal sa nasabing lugar na maraming magagandang tanawin.


Dumalo ang mga karerista sa pagbubukas ng OTB na pinangunahan ng may-ari na si Carlo Armada at grupo ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


"It is an honor for us that we in Iloilo are the first ones in the Visayas to have an OTB. We have always been fascinated by the excitement that horseracing brings to the public," masayang sabi ni Armada.


Samantala, walong races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo.


Pakakawalan ang 3-Year-Old & Above Maiden Race sa unang karera sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Inaasahang kalat ang magiging bentahan sa nasabing race dahil sa mga kalahok na sina Super Spunky, Time Traveller, Don Pedro at Red Robin na posibleng magdomina sa takilya.


May distansiyang 1,000 meter race, ang ibang kasali ay sina Lucky Emma, Batang Batute at Lightning Lass.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Don Pedro (7), Super Spunky (1), Red Robin (5)

Race 2 - Flattering You (1), Orange Bell (1), Portsalt (7)

Race 3 - Sonnet Forty Three (5), Upscale Bell (4)

Race 4 - Lucky Noh Noh (2), Shine (1), Big (6)

Race 5 - Bang (6), Maaasahan (1), My Star (1)

Race 6 - Potential/Let It Shine (3/3A), Magnolia Ashley (9), Speedy Chase (8)

Race 7 - Autumn Shower (6), Silver Glow (2), Munich (7), Magnifico (4)

Race 8 - Axis Deviation (9), Maximum Speed (7), Iikot Lang (6), Majestic Star (1)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page