top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 25, 2023


Markado si Destin Guest sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Sasakyan ni class A rider John Alvin Guce si Destin Guest na inaasahang tututukan ng mga liyamadista sa distansiyang 1,200 meter race.


Makakatagisan ng bilis ni Destin Guest sina Batang Batute, Lightning Lass, Malabon King, Lucky Emma, Golden Jaraywa, Time Traveller at Hellguy.


Ipinapatok ng mga karera tipsters si Destin Guest kaya asahang malaking suporta ang makukuha niya sa mga liyamadista, posibleng dominahin nito ang bentahan sa daily double, forecast at iba pang betting.


Komento ng mga dehadista sa social media, posibleng magpakitang-gilas din si Hellguy na sasakyan ni Lester De Jesus.


"Si Hellguy ang tingin kong dehadong kabayo na malaki ang tsansang manalo," saad ni Garry Tupaz, veteran karerista.


Nakalaan ang karagdagang premyo na P20,000 para sa mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Biyernes kaya medyo mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista at tiyak na masisiyahan din sila sa pananaya.

Mga pili ni Green Lantern:


Race 1 - Destin Guest (1), Hellguy (8), Time Traveller (7)

Race 2 - Golden Sunrise (2), Full Combat Order (6), Bada Ding (5)

Race 3 - Work From Home (1), Rockstar Show (2), Late Night Lady (7)

Race 4 - Hombre (7), Static (3)

Race 5 - Step Bell (1), Buena Bell (6)

Race 6 - Raxa Bago (7), Rockaway (2), Heirloom (1)

Race 7 - Club Kensai (9), Kaboom (11), I Tell You (2)

Race 8 - Doktora (5), Christiano (10)m Del Monte (9), Advance Party (1)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 24, 2023


Nagdeklara ng pagsali ang 11 mahuhusay na babaeng kabayo sa Lakambini Stakes Race na ilalarga sa Setyembre 3 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Nakalinya sa mga naghayag ng pagsali ay sina Chrome Bell at Domsat Seven na rerendahan ng mga star jockeys sa distansiyang 1,600 meter race.


Sasakay kay Chrome Bell si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez habang si Jeffril Tagulao Zarate ang gagabay kay Domsat seven.


May nakalaan na P2-M guaranteed prize ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang mga makikipagtagisan ng bilis ay sina Earli Boating, Glamour Girle, I Under Oath, Keep Da Trick, Secretary, Sister Moon, Winner Parade, Wolfgang at Amiable Maxinne.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1.2M, mapupunta ang P400,000 sa pangalawa habang tig-P200,000, P100,000, P60,000 at P40,000 ang third hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod.


Isusukbit ng breeder ng winning horse ang P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, bago pasibatin ang nasabing karera, masisilayan muna ng mga karerista ang bakbakan ng mga mahuhusay na kabayo sa A.P. Reyes Memorial race at Imported Maiden Stakes race na parehong pakakawalan sa Agosto 27.


Sina Boss Emong, Don Julio, Jungkok, Magtotobetsky, Robin Hood at Sartorial Elegance ang magbabanatan sa A.P. Reyes Memorial race.


Bakbakan naman sina Catalunya, Daily Burn, Golden Opportunity, Magandang Dilag at Pharaohs Treasure sa Imported Maiden Stakes race.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 22, 2023


Pinasiklaban ng Gusto Mucho ang mga karerista matapos angkinin ang panalo sa 2023 PHILRACOM 4-Year-Old & Above Sprint Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, Linggo ng hapon.


Banatan agad sa largahan ang apat na kabayong sina Palauig, Gusto Mucho, Main Event at Life Gets Better, kanya-kanyang diskartehan sa puwestuhan ang apat na hinete.


Padating ng far turn ay sina Palauig at Gusto Mucho na lang ang nagkakapanabayan sa unahan habang nasa tersero puwesto si Main Event.


Papalapit ng home turn ay kumuha ng unahan si Gusto Mucho at nakalamang agad ito ng isang kabayo kay Palauig habang malakas naman ang dating ni Asiong na kumuha ng tersero puwesto.


Nanatili pa rin ang tikas ni Gusto Mucho sa rektahan kaya umunat lalo ito sa unahan para tawirin ang meta ng may tatlong kabayong agwat sa pumangalawang si Asiong.


"Mainam na kabayo talaga si Gusto Mucho, kahit maglaban ulit sila sigurado ganun pa rin ang resulta," saad ni Gilbert Fernando, veteran karerista.


Ginabayan ni class A rider John Alvin Guce si Gusto Mucho, inirehistro nito ang impresibong tiyempo na 57.8 segundo sa 1,000 meter race.


Nasungkit ng winning horse owner ang P900,000, napunta ang P300,000 sa pumangalawang si Asiong habang tig-P150,000 at P75,000 ang third at fourth na sina Main Event at Palauig ayon sa pagkakasunod.


Nagbulsa rin ng P75,000 ang breeder ng winning horse na si Melaine Habla habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third placers.


Balanse ang naging bentahan sa nasabing race kaya naman pumabor sa mga kareristang tumama sa forecast ang ibinigay na dibidendo.


Nagbigay ng P125.00 kada limang pisong taya sa forecast combination na Gusto Mucho/Asiong, (1/10), ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni chairman Reli de Leon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page