top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 28, 2023


Inilampaso ni The Alpha Male ang mga nakatunggali matapos angkinin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Sabado ng hapon.


Ipinakita ni The Alpha Male ang galing nitong manakbo sa mabasang pista kaya halos walang nakadikit masyado sa kanya.


Kumaripas sa largahan si The Alpha Male upang hawakan agad ang unahan habang nakasunod sa kanya ang Tawi Tawi, I Like This Girl at Galactus


Pagsapit ng huling kurbada ay nasa unahan pa rin si The Alpha Male habang sina Tawi Tawi at Sampaloc's Pride ay nasa likuran.


Umabot hanggang sa rektahan ang pagpapakitang gilas ni The Alpha Male kaya naman kahit rumeremate si Sampaloc's Pride ay hindi na rin ito naka-porma.


Sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo, tinawid ni The Alpha Male ang meta ng may tatlong kabayong agwat sa pumangalawang si Sampaloc's Pride.


Inilista ng The Alpha Male ang tiyempong 1:01.2 minuto sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P20,000 ng winning horse owner na si ED Javier.


Dumating na tersero sa finish line ang Tawi Tawi habang pumang-apat ang Galactus sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, nagwagi rin si La Liga Filipina sa Condition Race 19-20 Mereged na pinakawalan sa pangalawang karera.


Inirehistro ni La Liga Filipina ang tiyempong 1:24.6 minuto sa 1,400 meter race, segundo si Sophisticated habang third at fourth placers sina Gomper Girl at Elegant Lady.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 27, 2023


Paniguradong ibubuhos ni Daily Burn ang lakas para masilat ang tigasing si Pharoahs Treasure sa magaganap na 2023 Philracom Imported Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Pinapaboran ng karera tipsters si Pharoahs Treasure kaya asahang dodominahin nito ang takilya habang dehado si Daily Burn.


Subalit malaki ang tiwala ng mga dehadistang tagahanga ni Daily Burn na mananalo ang kanilang paboritong kabayo. "Lahat yan mahuhusay at dahil malaki ang premyo tiyak na hinandang mabuti ang mga kabayong kasali," saad ni Genaro Vicente, veteran karerista.


Bukod kina Daily Burn at Pharoahs Treasure, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Magandang Dilag, Catalunya at Golden Opportunity.


Sasakyan ni class A rider John Alvin Guce si Daily Burn sa distansiyang 1,600 meter race kung saan nakalaan ang P1.2-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P700,000, mapupunta sa second placer ang P270,000 habang tig- P150,000 at P60,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


May ibubulsa rin ang breeder ng winning horse na P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni chairman Reli de Leon.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Don Lucas (4), Winged Heart (6), Matikas (3)

Race 2 - Full Control (10), Victoriousprincess (1), Bisyo Mag Serbisyo (6)

Race 3 - Daily Burn (1), Pharoahs Treasure (5)

Race 4 - Brother Son (3), Tugatog (7), Orange Bell (5)

Race 5 - Boss Emong (6), Robin Hood/Magtotobetsky (2/2A)

Race 6 - Jambo (9), Sky Plus (2), Sir Jason (11), Stark (7)

Race 7 - Noh Sen Young Yana (3), Malibu Bell (14), Quincy (5), Sinag (9)

Race 8 - Victorious Passion (11), Misha (10), Aly Yanna (1), Blown Away (5)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 26, 2023


Sasabak ang magka-kuwadrang sina Blame The Ghost at Bravemansgame sa magaganap na 2023 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Stakes Race na pakakawalan sa Setyembre 3 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Makikipagpaligsahan ng bilis sina Blame The Ghost at Bravemansgame laban sa pitong tigasing batang kabayo na nagsaad din ng pagsali sa distansiyang 1,200 meter race.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Blame the Ghost habang si class A rider Kelvin Abobo ang gagabay sa Bravemansgame.


May nakalaan na P1.8-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid ng finish line, ang ibang nagdeklara ng paglahok ay ang Amor My Love, Artsev, Ghost, Heartening To See, Malibu Princess Mommy's Love at Sonnet Forty Three.


Ayon sa komento ng mga karerista, bakbakan panigurado ang kanilang masisilayan dahil mga mahuhusay na kabayo ang kasali. "Mga future champions ang mga maglalaban-laban kaya pahirapan sa pagpili ng tatayaan," saad ni Gilberto Cortez, veteran karerista.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa pangalawa ang P360,000 habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang sixth placers ayon sa pagkakahilera.


Tatanggap din ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P54,000 at P36,000 ang second at third.


Samantala, papasanin ng mga batang babaeng kabayo ang 52 Kgs. habang may bigat na 54 kgs. ang dadalhin ng Colt sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Ilalarga din sa nasabing petsa ang Lakambini Stakes race na sasalihan ng 11 mahuhusay na kabayo kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page