top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 31, 2023


Nakatakdang sumalang ang 11 tigasing babaeng kabayo sa 2023 PHILRACOM Lakambini Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.


Naghayag ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race sina Chrome Bell at Domsat Seven para makipagtagisan ng bilis sa siyam pang mahuhusay na kabayo.


Gagabayan si Chrome Bell ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez habang si Jeffril Tagulao Zarate ang rerenda kay Domsat seven.


Nakalaan ang P2-M guaranteed prize ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang naghayag ng pagsali ay sina Earli Boating, Glamour Girle, I Under Oath, Keep Da Trick, Secretary, Sister Moon, Winner Parade, Wolfgang at Amiable Maxinne.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1.2-M, mapupunta ang P400,000 sa pangalawa habang tig-P200,000, P100,000, P60,000 at P40,000 ang third hanggang 6th placers ayon sa pagkakasunod.


Ibubulsa ng breeder ng winning horse ang P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, pakakawalan din ang 1st Leg Juvenile Stakes Race kung saan may walong kabayo ang magbabanatan sa karerang may distansiyang 1,200 meter race.


Maliban sa dalawang stakes races, may mga regular na karera ang ihahanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya asahang masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 30, 2023


Kumaripas sa largahan ang Boss Emong upang manalo ng banderang tapos sa 2023 PHILRACOM A.P.


Reyes Memorial Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nirendahan ni class A rider Kelvin Abobo, ipinuwesto agad ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse of the Year awardee, Boss Emong sa unahan habang nakasunod sa kanila ang makukulit na Jungkook at Robin Hood.


Pagsapit sa kalagitnaan ng karera ay sina Jungkook at Don Julio na ang nakasunod kay Boss Emong.


Habang binabaybay ang far turn ay kumakapit na si Don Julio kay Boss Emong, subalit hindi ito hinayaan ni Abobo na makaporma pa ang kalaban kaya kinayog nito ang winning horse upang umalagwa ulit sa huling kurbada.


Tiniyak ni Abobo ang panalo ni Boss Emong, ginamitan nito ng latigo para pitikin ang winning horse sa rektahan. "I was able to dictate the pace the whole time that's why he still had a lot of horse in him when we crossed the finish line," saad ni Abobo.


Tinawid ng Boss Emong ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang Don Julio, tersero ang Jungkook.


Tinala ni Boss Emong ang 1:52 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Kennedy Morales ang P600,000 premyo. Kinubra ng Don Julio ang P225,000 habang tersero ang Jungkook na nakopo ang P125,000. Nagbulsa naman ang winning breeder na si Antonio Tan ng P50,000 habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, inaasahang ihahanda si Boss Emong sa susunod na stakes race na lalabanan kaya aabangan ito ng mga karerista.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 29, 2023


Mahusay ang ipinakitang performance ni Pharaohs Treasure nang manalo sa 2023 PHILRACOM Imported Maiden Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Ginabayan ni class A rider O'Neal Cortez, ipinuwesto nito ang Pharaohs Treasure sa tersero paglabas ng aparato habang nagbabanatan sa unahan ang Catalunya at Golden Opportunity.


Papalapit ng far turn ay nagkapanabayan na ang tatlong nabanggit na kabayo sa unahan kung saan sa bandang labas dumaan ang Pharaohs Treasure.


Pagsapit ng home turn ay kumuha na ng unahan ang Pharaohs Treasure habang nasa segundo puwesto ang Daily Burn na rumeremate sa bandang labas.


Malakas ang dating ni Daily Burn pero hindi na hinayaan ni Cortez na makaporma pa ang kalaban kaya gumamit ito ng latigo para hatawin si Pharaohs Treasure at makuha ang panalo.


Tinawid ng Pharaohs Treasure ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Daily Burn sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Inilista ni Pharaohs Treasure ang tiyempong 1:40.4 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P720,000 ng winning horse owner na si Joseph Dyhengco.


Nasilo ng Daily Burn ang P270,000 habang ang third na si Magandang Dilag ay nag-uwi ng P150,000.


Ibinulsa naman ng winning breeder ang P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page