top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 9, 2023


Masaya na naman ang mga tagahanga ni Boss Emong dahil masisilayan nila ang kanilang paboritong kabayo na tatakbo sa karerahan.


Nakatakdang pumarada sa pista si Boss Emong para sumabak sa Gold House Co. LTD Special Invitational race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, bukas (Linggo).


Muling magpapakitang-gilas ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee na si Boss Emong, isa siya sa matitikas na kabayo sa bansa.


Pinasikatan ni Boss Emong noong nakaraan ang mga karerista matapos angkinin ang korona sa 2023 PHILRACOM "A.P. Reyes Memorial Race".


Gagabayan ulit ni jockey Kelvin Abobo si Boss Emong, makakatagisan nila ng bilis ang pitong kabayong nagsaad ng paglahok sa distansiyang 1,800 meter race.


May nakalaan na P300,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Ambisioso, Bravo, Jungkook, Life gets Better, Magtotobetsky, Nuclear Bomb at Robin Hood.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang 180,000, mapupunta sa second placer ang P67,500 habang tig- P37,500 at P15,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Tatanggap naman ang breeder ng winning horse ng P4,000, inisponsoran ito ng Gold House Co. LTD.


Samantala, maliban sa nabanggit na stakes race ay magpapakawala rin ng mga regular races ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.


Ang mga ilalargang karera bukas ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 8, 2023


Nais ni Magandang Dilag na pasikatan ang mga kareristang makakapanood sa bakbakan ng limang batang kalahok sa 3-Year-Old Maiden Race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Sasakyan ni jockey Pabs cabalejo, makakalaban ni Magandang Dilag sina Senor Buboyski, Ang Bigote, Come Back Stronger at Dreamsoftheworld sa distansiyang 1,200 meter race.


May nakalaan ang added prize na P20,000 para sa mananalong kabayo, suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang nasabing karera.


Inaasahang malaking suporta ang makukuha ni Magandang Dilag sa mga liyamadista pero posibleng magbigay ng magandang laban ang mga dehadong kabayo na sina Dreamsoftheworld at Ang Bigote.


"Walang kasiguruhan kahit outstanding favorite dahil mga batang kabayo, tapos basa ang pista at maputik baka manibago ang mga kabayo," saad ni Victor Manansala, veteran karerista.


Walong races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Samantala, aabangan din ng mga karerista ang banatan ng walong kabayo sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa pangalawang karera.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Magandang Dilag (3), Ang Bigote (2)

Race 2 - Little Ms. Saturday (7), Navy Cut (1), Laguardia (2)

Race 3 - Sun Moon Lake (9), Christiano (3), Che Che (8)

Race 4 - Empire Ruler (8), Charm Of Luck (6), Blind Item (2)

Race 5 - Sun dance (2), Chef Kat/ Big (1/1A), Galloping Ghost (3)

Race 6 - Tulak Ng Bibig (9), Douglas Fir (1), Aliassime (2)

Race 7 - Open Billing (10), Badboy MJ (8), Atomic Bomb (5)

Race 8 - Regal (1), Kaboom (11), Rockaway (10), California King (6)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 7, 2023


Sasabak si Viva D' Oro sa 2023 PHILRACOM "Imported Maiden Stakes race" na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Linggo.


Hahamunin ni Viva D' Oro ang apat na tigasing kabayo na nagsaad ng paglahok sa distansiyang 1,600 meter race. Rerendahan ni jockey Andreu Villegas ang Viva D' Oro, ang ibang nominadong kabayo ay ang Drone Strike, Flywheel, Heavy Weight at Perfect Delight.


May nakalaan na P1.2M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan hahamigin ng mananalo ang P720,000.


Susungkitin ng second placer ang P270,000 habang tig- P150,000 at P60,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


May ibubulsa na P60,000 ang breeder ng winning horse, tig-P35,000 at P24,000 naman ang second at third. Base sa komento ng mga karerista, may kahirapan sa pagpili ng kabayong tatayaan kahit lima lamang ang tatakbo ito'y dahil wala pang masyadong pruweba sa pista ang mga kasali.


"Panoorin ko na lang silang pumarada tapos kung sino ang medyo maganda ang kilos sa pista 'yun ang tatayaan ko," saad ni Manny Buenaventura, veteran karerista.


Bibitbitin ng mga babaeng kasali ang 52 kgs. habang mas mabigat ang dadalhin ng mga colt, (54 kgs.) sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page