top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 15, 2023


Limang bagitong kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Una sa listahan si Hellguy na sasakyan ni jockey NC Lunar, makakalaban nila sina Olympic Lady, Trump Peter, Instant Notice at Malabon King sa distansiyang 1,200 meter race.


Nakalaan ang P20,000 added prize para sa mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Reli de Leon.


Inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang dahil may walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.


Samantala, nagpasikat ang batang kabayong si Super Earth matapos ilampaso ang mga katunggali sa 3-Year-Old & Above Maiden race na inilarga parehong lugar noong Linggo ng hapon.


Humarurot sa largahan si Super Earth upang hawakan ang bandera habang nakakapit sa kanya si Rock To The East. Subalit panandalian lang na nakasabay sa unahan si Rock To The East dahil makalipas ang ilang metro ng takbuhan ay umalagwa na papalayo sa unahan si Super Earth.


Pagsapit ng far turn ay nasa apat na kabayo na ang abante ni Super Earth kaya naman sa rektahan ay beripikado na itong mananalo.


Tinawid ni Super Earth ang meta ng may walong kabayong agwat sa pumangalawang si Lagertha habang tersero si Brightside.


Sinakyan ni Andreu Villegas, inirehistro ni Super Earth ang tiyempong 0:59 segundo sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Benjamin Abalos Jr. ang P20,000 added prize.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Hellguy (1), Olympic Lady (2)

Race 2 - Double Rock (4), Frizmatic (9), Classic Gee (1)

Race 3 - Del Monte (9), My Dad Bogart (8), Malibu Bell (7)

Race 4 - Sky Plus (1), Charm N Luck (5)

Race 5 - Red Hawk (13), Don Damiano (9), Lucky Julliane (2), Namaskar (8)

Race 6 - Moderne Verde (4), Magnifico (3), Kumander (8), Kentucky Rain (5)

Race 7 - Sun Dance (4), Sky Lover (8), Regal (6), California King (11)

Race 8 - Thriller (9), Lucky Lucy (12), Dollarama (4), Chase The Gold (7)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 14, 2023


Anim na mahuhusay na babaeng kabayo ang nominado sa 2023 PHILRACOM "Sampaguita Stakes Race" na pakakawalan sa Setyembre 24 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Isa sa mga nagsaad ng pagsali ay si La Liga Filipina na kilalang matikas na kabayo sa industriya ng karera sa Pilipinas.


Rerendahan ni jockey Andreu Villegas si La Liga Filipina, makakalaban nila ang limang naghayag din ng pagsali sa distansiyang 2,000 meter race. May nakalaan na guaranteed prize na P2-M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Cam From Behind, Charm Campaign, Dambana, Enigma Uno at Flattering You.


Ayon sa mga komento ng mga karerista, posibleng magpakitang-gilas ang mga kalahok na sina Flattering You at Charm Campaign. Dahil mahaba ang distansiya ng karera ay naniniwala ang mga karerista na kahit sino sa mga kasali ay malaki ang tsansang manalo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1.2-M, mapupunta sa second placer ang P450,000 habang tig- P250, 000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod. Ibubulsa naman ng breeder ng winning horse ng P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third.


Samantala, maliban sa nabanggit na stakes race, maglalarga rin ang Metro Manila Turf Club Inc. ng balanseng regular races para mas mapasaya ang mga kareristang maglilibang.



 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 13, 2023


Bagsak ang balikat ng mga liyamadista matapos manalo ni Jungkook sa Gold House Co. LTD. Special race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Nanood sa tersero puwesto si Jungkook na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez, nasa unahan ang liyamadong Boss Emong habang segundo si Life Gets Better.


Bentahe ng tatlong kabayo si Boss Emong kay Life Gets Better pero nasa malayong tersero naman sa Jungkook sa kalagitnaan ng karera. Subalit papasok ng far turn ay kumukuha na ng segundo puwesto si Jungkook kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay nagkapanabayan na ang dalawa.


Sa tabing balya dumaan si Jungkook nang agawin nito ang bandera kay Boss Emong sa rektahan habang malakas naman ang dating ng magka-kuwadrang Robin Hood at Magtotobetsky.


Hindi naman nataranta si Hernandez, nanatili sa unahan ang Jungkook at nanalo ito ng may isa't kalahating kabayong agwat sa pumangalawang Robin Hood, tumersero ang Magtotobetsky habang pang-apat na tumawid sa meta ang Boss Emong.


Inirehistro ng Jungkook ang tiyempong 1:51 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si TT Sevilla ang P180,000 premyo.


Hinamig naman ng Robin Hood ang P67,500 habang tig- P37,500 at P15,000 ang kinubra ng Magtotobetsky at Boss Emong sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Ibinulsa naman ng winning breeder ang P4,000.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page