top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 07, 2023


Malalaman ang husay ni Don Julio pagsalang nito sa Manila Horse Power Trophy Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Mga magagaling na kabayo ang mga kalahok kaya asahang mapapalaban si Don Julio na sasakyan ni Mark Angelo Alvarez.


May distansiyang 1,400 meter race ang ibang kasali ay sina Sophisticated, Main Event, Pulang Pula, Agi Daw, Eazacky, Asiong, Shanghai Noon at Full Combat Order.


Posibleng magbigay ng magandang laban kay Don Julio sina Full Combat Order, Shanghai Noon at Asiong sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Nakalaan ang added prizes tulad ng P20,000 para sa mga winner na non-member at P50,000 para Klub Don Juan De Manila member.


Ang mga nabanggit na karagdagang premyo ay inisponsoran ng KDJM, at 25kgs. na sakong bigas ang mapapanalunan ng winning groom mula naman kay Ryan Ponce.


Samantala, 10 races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Sabado kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.


Isa sa hihintayin na race ng mga karerista ay ang Special Invitational Race na palalabasin sa pangatlong race. Magtatagisan ng bilis sina, Treasure Hunting, Speed Fantasy, Euroclydon, Nuclear Bomb, Righteous Ruby, Civics Class at Darleb.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Don Julio (5), Shanghai Noon (8), Full Combat Order (9)

Race 2 - Noh Sen Young Yana (13), Darna (7), Stripe Of Pink (12), Melania (1)

Race 3 - Righteous Ruby (5), Nuclear Bomb (4), Darleb (7)

Race 4 - Caraga Wonder (3), Chase The Gold (1), Determinado/ Destiny (7/7A)

Race 5 - Markees Angel (9), Advocacy/Cool Mom (1/1A), Christiano (5), Jawo (2)

Race 6 - Hombre (9), Malibu Bell (1), Eyeshot (2), Lucky Julliane (10)

Race 7 - Oh Rootie (10), Mettle Strength (1), Apollo (8), Lord Luis (11)

Race 8 - Tiger Boy (3), Sister Moon/Super Earth (9/9A), Keep Da Trick (8), Trusson (2)

Race 9 - Speak Easy (7), Buena Bell (5), Frizmatic (4), Wild Act (2)

Race 10 - Doktora (12), Sky Lover (1), Since When (3), Bucasgrande Island (6)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 06, 2023


Isasabak ni horse owner Benjamin Abalos ang kanyang pambatong si Top Tiger laban sa pitong kalahok sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Rerendahan ni jockey EA Abrea, posibleng mapalaban ng todo si Top Tiger sa mga kalahok na Senor Buboyski at Marengo sa distansiyang 1,200 meter race.


Paglalabanan ang P20,000 added prize para sa winning horse owner ang ibang kasali ay sina Maayo Kaayo, On Eagles Wings, Angel's Crown, Leader Of The Band at Hellguy.


"Lamang ang kabayo ni Abalos (Benjamin) sigurado mahusay na kabayo 'yan kaya liyamado yan sa laban," saad ni Victor Manabat, veteran karerista.


Walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Biyernes kaya medyo mahaba-haba ang oras ng paglilibang ng mga karerista.


Isa sa inaasahang magandang laban na masisilayan ng mga karerista ay ang bakbakan ng walong kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.


Magtatagisan ng bilis sina Silver Lining, Bahandi, A Lop Bam Boom, Maaasahan, Antonio Delamugis, My Boy Lollipop at Raxa Bago, may distansiya itong 1,200 meter race.


May karagdagang premyo na P25,000 na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Top Tiger (2), Hellguy (8)

Race 2 - Maaasahan (4), Raxa Bago (8), Bahandi (2)

Race 3 - Amelia (5), The Barrister (9), Quincy/Double Time (1/1A)

Race 4 - Arigato (4), Eunice And Aiah (8), Kusing (6)

Race 5 - Buwayang Bato (3), Moderne Verde (8), Love Radio (6), So Humble (1)

Race 6 - Primero Soldado (10), Don Damiano (4), Lucky Lucy (5), Can You Giub (7)

Race 7 - Aly Yanna (7), Superhawk (11), My Dad Bogart (1), Riga (8)

Race 8 - Che Che (7), Good Reason (5), Jacqueline (4), Happy Kid (11)

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 04, 2023


Magtutulungan sina Bea Bell at Cassandra Bell pagsabak nila sa 2023 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Dtakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.


Makakatagisan ng bilis ng Bea Bell at Cassandra Bell ang walong tigasing kalahok sa distansiyang 1,400 meter race kung saan nakataya ang P1.2-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang P720,000, ang ibang kasali ay sina Bill Jordan, Dazzlingab, Marvelous Marvin, Masunaga, Over Azooming, She's Royal, Spolarium at Swasdi Khaa.


Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez ang Bea Bell habang si Jonathan Flores naman ang rerenda sa Cassandra Bell.


Makakatanggap ng P240,000 ang second placer, mapupunta ang P120,000 sa pangatlo habang tig- P60,000, P36,000 at P24,000 ang 4th hanggang 6th ayon sa pagkakasunod.


May ibubulsa rin ang breeder ng winning horse na P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Pakakawalan din sa Linggo ang bakbakan ng 11 kabayo sa PHILRACOM-PCSO 3-Year-Old Locally Bred Grand Derby na gaganapin sa parehong lugar.


Ayon sa mga karerista, posibleng mapahirapan sila sa pagpili ng kanilang tatayaan dahil mga batang kabayo ang tatakbo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page