ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 21, 2023
Pakay ng Ghost na iparamdam ang kanyang lakas pagsalang nito sa pista bukas, (Linggo) sa magaganap na 2023 PHILRACOM 2nd Leg Juvenile Stakes Race na ilalarga sa darating na Linggo (Oct. 22) sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.
Magagaling na kabayo ang makalaban ni Ghost sa distansiyang 1,400 meter race kaya tiyak na mapapalaban ito ng todo.
Inaasahang magiging mahigpit na kalaban ni Ghost sa event na nakalaan ang P1.8 M ay ang magkakamping Bea Bell at Cassandra Bell na pag-aari ng mag-amang sina Elmer De Leon at Bea De Leon.
Kasama rin si Mae Bell sa mga posibleng bigyan ng pansin ng mga karerista, rerendahan ito ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.
Bukod kina Bea Bell at Cassandra Bell at Mae Bell, ang ibang makakatagisan ng bilis ni Ghost ay sina Amor My Love, Heartening To See, Masunaga, Mommy's Love, Morning After at Over Azooming.
Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa 2nd placer ang P360,000, habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.
Mag-uuwi rin ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang P54,000 at P36,000 ang ibubulsa ng second at third.
Samantala, bukod sa nabanggit na stakes race, may ilalargang regular races ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

