- BULGAR
- Nov 11, 2023
ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 11, 2023
Paniguradong nakatutok ang ibang karerista kay Righteous Ruby sa ikakasang "Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Nobyembre 19, (Linggo).
Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Righteous Ruby sa distansiyang 2,000 meter race.
Nakalaan ang garantisadong premyo na P5-M., ang ibang kalahok ay sina Civics Class, In Thje Zone, Shastaloo, Speed Fantasy at Treasure Hunting na kagagaling lang sa panalo.
Posibleng magbigay ng magandang laban kay Righteous Ruby ay sina Civics Class at Treasure Hunting na nanalo lang nakaraan sa Special Invitational Race II ayon sa komento ng mga karerista.
Inaasahang itotodo ang paghahanda ng mga nagsaad ng paglahok dahil kukubrahin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P3-M sa event na pagbibigay-pugay kay Eduardo Cojuangco.
Magbubulsa rin ng P1,125,000 ang second placer habang tig-P625,000 at P250,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.
Samantala, may mga balanseng regular races ang pakakawalan din ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa araw mismo ng stakes race kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang. Ang nasabing stakes race ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.




