top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 24, 2023


Nasungkit ni Morning After ang korona sa 28th MARHO Breeders' Championship - Andok's Litson Baka 2-Year-Old Juvenile Colts na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo.


Nirendahan ni class A rider Kelvin Abobo, ipinuwesto nito si Morning After sa pangatlo paglabas ng aparato at saka pinagmasdan ang mga nasa unahan na sina Spolarium at Gameir Winner.


Habang lumalapit sa far turn ay kumakapit na si Morning After sa nangungunang si Spolarium at nagkapanabayan sila papuntang hometurn.


Pagsungaw ng rekta ay nakisali ang kakampi ni Spolarium na si Bill Jordan, pinagkaisahan nila si Morning After para maagaw ang bandera.


Pero naging matatag sa unahan si Morning After at tinawid nito ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang si Bill Jordan habang tersero si Spolarium.


"Sa ipinakitang husay ni Morning After, posibleng manalo siya sa mas malaking karera kaya aabangan siya sigurado ng mga karerista," saad ni Jerry Sayson, veteran karerista.


Inilista ni Morning After ang tiyempong ang 1:27 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P600,000 premyo.


Napunta ang P225,000 sa second placer na si Bill Jordan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Race 1 - Bantay Shore/Yeng Von Yang (3/3A), King James (6), Skywolf (1)

Race 2 - Jambo (2), Lord Luis (3), Shining Angel (5)

Race 3 - Hee Nieve Rahh (2), Luke Skywalker (6)

Race 4 - Yabadabadur (9), Oh Rootie (6), Corona (1), Lady Of Peace (10)

Race 5 - Stripe Of Pink (8), Sakalam (14), Darna (13), Iikot Lang/Cash Is King (3/3A)

Race 6 - Todo Pong (7), Charm N Luck/Can You Giub (4/4A), Bullet (3)

Race 7 - Havana Ohhnana (7), Jacqueline (8), Kentucky Rain (5), Buwayang Bato (11)

Race 8 - Advance Party (7), Tatler Story (11), Cat's Whiskers (13), National Treasure (8)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 23, 2023


Pinaglaruan lang ni Secretary ang mga nakatunggali matapos sikwatin ang korona sa MARHO Breeders' 3-Year-Old Colt Filly Mile race na inilarga noong Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Pagsalida sa aparato ay biglang humangos si Secretary papunta sa unahan para hawakan agad ang dalawang kabayong agwat sa humabol na Make Or Break, Winner Parade at Sister Moon.


Dinikitan si Secretary ni Winner Parade sa kalagitnaan ng karera pero pagsapit ng far turn ay umungos na ng apat na kabayo ang winning horse.


Kaya naman papasok ng huling kurbada ay halos mag-isa na lang na tumatakbo si Secretary, umabot pa sa anim na kabayo ang bentahe sa rektahan.


Walang naging sagabal sa rektahan kaya tinawid ni Secretary ang finish line ng may mahigit 10 kabayo ang lamang sa pumangalawang si Winner Parade habang tersero ang Sister Moon.


Ginabayan ni Mark M. Gonzales, inirehistro ni Secretary ang tiyempong 1:39.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Ronaldo David ang P600,000 premyo.


Nakopo ng second placer na si Winner Parade ang P225,000 habang P125,000 ang napunta sa pumangatlong si Sister Moon at P50,000 ang inuwi ni Make Or Break na dumating na pang-apat.


Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 22, 2023


Nakitaan ng husay sa karera si Jaguar matapos nitong angkinin ang korona sa MARHO Breeders' 3-Year-Old Colt Mile na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, noong Linggo ng hapon.


Nirendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, ipinuwesto nito si Jaguar sa pang-apat habang nag-uubusan ng lakas sa unahan sina Save My Savings, Sonic Clay at Noble Touch.


Habang papalapit sa far turn ay unti-unti ng kumakapit sa unahan si Jaguar kaya naman bago sumapit ng home turn ay naagaw na niya ang bandera.


Lumayo ng todo si Jaguar sa rektahan, pina-abot ni Zarate ang lamang ni Jaguar hanggang anim na kabayo kaya naman magaan nitong tinawid ang meta.


Ipinasang tiyempo ni Jaguar ang 1:40.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JM Arroyo ang P600,000 premyo.


Nasungkit ng second placer na Open Billing ang P225,000, tersero ang Sonic Clay na nag-uwi ng P125,000 habang pang-apat ang Save My Savings na nagbulsa ng P50,000.


Samantala, nagwagi si Istulen Ola sa MARHO - Petron Corporation trophy race na pinakawalan sa race 7.


Ginabayan ni class A rider John Alvin Guce si Istulen Ola upang ilista ang 1:25 minuto sa 1,400 meter race, pumangalawa si Bombay Nights.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page