top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 14, 2023


Hindi nagpadaig si Hombre, nagpasiklab din ito noong Linggo nang manalo sa Uno Dos Corporation Trophy Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

 

Sinakyan ni jockey FA Tuazon, ipinuwesto nito si Hombre sa pang-apat paglabas ng aparato habang nasa unahan ang mabibilis sa largahan na sina Tulak Ng Bibig at One Of A Kind.

 

Naka-puwesto sa tersero si Alalum Falls nang ungusan siya ni Hombre papasok ng far turn habang nasa kalahating kabayo na lang ang agwat ni Tulak Ng Bibig.

 

Pagdating ng home turn ay kumuha ng bandera si Hombre at maging ang One Of A Kind ay nilampasan si Tulak Ng Bibig sa segunda puwesto.

 

Patuloy ang pagdomina ng winning horse, nakalamang ng dalawang kabayo ang Hombre pagsapit ng rektahan at umalagwa pa ito sa apat na kabayo sa huling 150 meter ng karera.

 

Magaan na tinawid ng Hombre ang meta ng may anim na kabayong lamang sa pumangalawang si One Of A Kind sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Inirehistro ni Hombre ang tiyempong 1:27.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P180,000 premyo, nasungkit naman ni One Of A Kind ang second place prize na P67,500.

 

Tersero si Hiroshima na nag-uwi ng P37,500 habang P15,000 ang nakopo ng fourth placer na Tulak Ng Bibig. 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 13, 2023


Nagpasikat si Morning After matapos angkinin ang titulo sa Amb. Antonio M. Lagdameo Juvenile Championship Cup na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

 

Sinabayan ni Morning After ang matutulin sa largahan na sina Ghost at Gameir Winner para magtagisan sila ng bilis sa unahan na isang dahilan kung bakit nasiyahan ang mga karerista, naging mainitan ang bakbakan sa banderahan.

 

Pero sa huling 400 meter ng karera ay kumuha ng unahan si Morning After at inungusan nito ang matibay na Ghost.

 

Pagdating ng huling kurbada ay nasa dalawang kabayo na ang abante ni Morning After sa pumapangalawang si Ghost habang nasa pangatlo si Gameir Winner.

 

Rumeremate naman sa tabing balya si King James subalit hindi na rin ito umabot sa nangungunang Morning After.

 

Tinawid ni Morning After ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang si King James, tersero si Be Smart.

 

Sinakyan ni jockey Kelvin Abobo, inirehistro ni Morning After ang tiyempong 1:43.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P900,000 premyo.

 

Nasikwat ni King James ang second place prize na P300,000 habang P150,000 ang nakopo ng third placer na si Be Smart.

 

Napunta sa fourth placer na si Ghost ang P105,000 habang kumolekta rin ang winning breeder ng P30,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.  

 

Mga Tip ni Green Lantern: Race 1 - Road s Safety (1), Chiller (2) Race 2 - Grandi Moments (4), Feel The Burn (3),Extra Addition, (10) Race 3 - Laughing Tiger (1), Winsome Maxinne (2) Race 4 - Destiny (5), Double Strike (2), Preethi (6) Race 5 - Don Damiano (1), Money For Gabriel (3), Tifosi (7) Race 6 - Indelible Quaker (6), Manila Boy (1), Boni Avenue (3) Race 7 - Sultanov (4), Chef Kat (7), Ariana (3), Oh Lala (5)

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 12, 2023


Nagpasikat sa mga karerista si Sonic Clay nang manalo ito sa PCSO - PHILTOBO Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

 

Sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, hindi nito masyadong inapura sa largahan si Sonic Clay at pumuwesto lang sa pangatlo upang panoorin ang nagbabanatan sa unahan na sina Agi Daw at Eazacky.

 

Pagsapit ng karera sa far turn ay inagaw na ni Sonic Clay ang bandera sa naglulutsahang sina Agi Daw at Eazacky.

 

Nakalamang ng dalawang kabayo si Sonic Clay kay Elegant Lady pagsungaw ng rektahan habang nasa tabing balya naman si Agi Daw. Patuloy ang matikas na takbo ni Sonic Clay sa rektahan kaya naman tinawid nito ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Agi Daw.

 

"Napakahusay ni Sonic Clay, kahit mahaba ang karera tingin ko mas malayong mananalo," saad ni Andy Torrevillas, veteran karerista.

 

Inirehistro ni Sonic Clay ang tiyempong 1:26.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si A.C. Tan ang P300,000 premyo muna sa sponsor na Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

Nasikwat ng pumangalawang si Agi Daw ang P112,500 habang nasilo ng tersero at pang-apat na sina Elegant Lady at Glamour Girle ang P62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.

 

Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

 

Samantala, masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang dahil balanse ang naging lineup kaya maganda ang lahat ng labanan. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page