top of page
Search

NAGKAHAWAHAN NG COVID.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 28, 2021



ree

Hindi man tinukoy kung anong filmmaking productions ang nagkaroon ng problema sa Baguio City LGU kamakailan ay alam naman ng lahat kung ano at sino ang involved dito dahil una nang napabalitang 9 staff at maging si Arjo Atayde ay nagpositibo sa COVID-19 sa locked-in shooting.


Base sa paliwanag ni Film Development Council of the Philippines Chairperson and CEO Liza Diño sa ginanap na Zoom mediacon para sa launch ng first-ever Philippine Film Industry Month celebration with the theme: "Ngayon ang bagong SINEMULA" mula September 1-30, 2021, “Nagkaroon ng miscommunication because nagkaroon ng third party in between the Baguio City and the filmmaking productions. But in terms of the protocol in place by the filmmaking and then ‘yung side ng Baguio City, nagkaroon ng kumbaga whether may lapses or wala, hindi mo talaga maiiwasan ‘yan. Aminin natin in the ideal world, sana masusunod lahat ng protocols. Pero 'pag nandoon ka na sa set, alam mong meron at merong mangyayaring magtatanggal ng mask, merong lapses na mangyayari.


"But if we work with our safety officers and if we work with the LGUs, halimbawa, kailangang madagdagan ang crew, ‘yung mga ganu’n klaseng unforeseeable or unpredictable circumstances, magagawan at magagawan ng paraan.


“So nothing is safe right now, alam natin ‘yan. May protocols tayo, pero lahat ‘yan, tine-test natin lagi, so we have to work together. Sa akin, ‘yun ‘yung sana, we can engage sa lahat ng productions natin.”


At dahil dito ay hinikayat ni Chair Liza na lahat ng film productions at TV productions ay magparehistro sa FDCP o sa DOLE.


“The best way for us to conduct the production shoot safety is to work with government lalo na ngayong pandemya. Hindi talaga tayo puwedeng kumikilos nang kani-kanya.


“Kasi once something happens inside the production, ang unang takbo naman natin is gobyerno para makipag-coordinate, para magbigay ng support and to make sure that everyone is protected.


“There’s no harm in registering your production sa FDCP or DOLE kasi kapag may nangyari, iba kasi kapag ‘registered kami, alam ng gobyerno ng LGU ang ginagawa namin’. May safety net ka ru'n.


“Unfortunately, marami po (hindi nakarehistro), but you know, we continuously campaign and offer FDCP support sa mga productions po natin because the intention is to help, the intention is to assist.


“Kami po ang sumusulat sa lahat ng LGU kapag halimbawa may interzonal movement at bawal. Papasok kayo at lalabas kayo ng Maynila na kailangan n’yong mag-shoot sa Pampanga or saan-saan mang lugar na kailangan ninyong pumasok doon.


“Ang FDCP po ang nakikipag-ugnayan sa mga LGUs para meron kayong permiso at matanggap kayo o makalagpas kayo sa mga checkpoints, that’s the goal of the FDCP,” paliwanag ni Ms. Liza.


Samantala, magsisimula ang Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre 1 at maraming mga pelikulang mapapanood sa FDCP channel na puwedeng magparehistro para ma-avail lahat.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 27, 2021



ree

May plano palang magkaroon ng sariling vlog ang dating TV host na negosyante na ngayon na si RR Enriquez kaya sumasawsaw siya sa maiinit na isyu sa showbiz at nagtatanong kung ano ang magandang titulo.


Nauna siyang nagbigay ng komento nu’ng ibuking ni Manay Lolit Solis na nangungutang sa kanya ang dating alagang si Mark Herras ng P30 K.


Hindi maganda ang mga salitang binitiwan ni RR kay Manay, bagay na pinuna ng mga netizens at maging ang kilalang talent manager ay nagbigay ng hinaing, pero hindi niya binanggit ang pangalan ng dating aktres.


At heto, sumawsaw ulit si RR sa isyu naman ni Gerald Anderson na nagbitaw ng salitang si Julia Barretto na ang ‘the one’ niya, pero hindi pa mayayang magpakasal dahil bata pa ang aktres sa edad na 24, samantalang ang aktor ay 32 na.


Katwiran ni Ge ay marami pang gustong gawin si Julia sa showbiz career niya at marami pang maio-offer dito.


Pero may ilang nagkomento na palusot lang 'yun ng binata dahil ang totoo ay wala siyang planong pakasalan talaga si Julia.

Dito na humirit si RR na ini-repost ang isang art card sa kanyang Instagram account kung saan nakalagay ang mga sinabi ni Gerald na bata pa si Julia.


Ang caption ni RR, “Gosh tigilan n'yo kaka-bash kay Gerald. Walang masama sa sinabi n'ya. Sawsaw kayo nang sawsaw, makikisawsaw na din ako para join force tayo! CHAR. Ito ang nagagawa ng pandemya! Maki-chismis nang maki-chismis.


“Actually, gusto ko magkaroon ng sariling vlog show since mahilig ako makisawsaw in a good way (hindi 'yung maninira lang ng tao), basta magko-comment lang. Ganern! So start ko now?


“Wala namang masama sa sinabi ni Gerald. Wala rin naman s’yang sinabi na ayaw n'yang pakasalan si Julia. He’s just being wise sa decision n'ya!

“Julia is still young. Madami pa talaga s'ya io-offer sa industriya. Sayang din ‘yung opportunity.

“Ito rin ‘yung time na dapat ini-enjoy lang muna nila 'yung relationship nila as boyfriend and girlfriend. Ilang years pa lang ba sila at bakit gusto n'yo ikasal na sila?

“'Yung iba kasi, akala nila, solusyon palagi ang kasal! Parang kasal ang magde-define sa pagkatao mo! Tapos, ending, ang dami nagpakasal na naghiwalay. Or kasal nga pero mga miserable ang buhay mag-asawa.

“Sobrang dami nagdi-divorce ngayon. Why? Isa sa mga dahilan, nagmamadaling magpakasal. 'Yung grabe mag-plan ng wedding, pero hindi naplano ‘yung word na marriage!

“Pero hindi ko nilalahat 'yan, ha? Madami din akong kakilala na sobrang tibay ng marriage life nila. Mas madami lang talaga ang naghihiwalay na kung makipag-divorce, akala mo, jowa ‘yung dinivorce.

“Kaya hayaan natin 'yung tao, if he doesn’t want to get married for now, huwag natin siyang pakialaman.

“Ako nga, 38 na at si frog (Jayjay Helterbrand), 45, pero wala kami ka-plan-plan. Pero mas tumagal pa relasyon namin sa ibang nagpakasal. Ehem, proud 12 years.

“So, you see, huwag nating gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao or minahal tayo ng tao. Dahil sa panahon ngayon, traffic na lang sa EDSA ang tumatagal. CHAR.”

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 26, 2021



ree

Taga-deliver ng sariling food business at staff ng isang malaking wholesale outlet sa Sydney, Australia ang trabaho ngayon ng dating aktor na si Makisig Morales na huling napanood sa epic seryeng Bagani noong 2018 kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Sa Australia na nakabase si Makisig kasama ang buong pamilya niya at doon na rin niya nakilala ang asawang si Nicole Joson.


Sa bagong segment nina Ogie Diaz at Mama Loi plus Tita Jegs sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update na Kumustahan ay malalaman ng kanilang mga subscribers kung kumusta na ang mga kilalang personalidad na nasa ibang bansa.


Ibibidyo nila ang kanilang mga sarili base sa ipinadalang katanungan ni Ogie.


Sa kasalukuyan ay lockdown sa lugar nina Makisig kaya stay at home lang sila na mas gusto niya dahil safe sila.


“Mahirap po ang lockdown dito sa Australia. 'Yung restriction po rito sa amin, bawal kang lumabas within five kilometers of your local government area. Puwede ka lamang lumabas kung bibili ka ng groceries o meron kang kailangan sa bahay. Pero other than that, hindi ka talaga puwedeng lumabas,” bungad ng dating aktor.


Kaya ang food business nila ay naapektuhan ng lockdown.

“Mahirap ngayon para sa business dahil ako 'yung nagde-deliver and mahirap lumabas kapag lalagpas ka na ng five kilometers dahil masyado pong maliit 'yung five kilometers sa local government area.


“'Yung mga works din po ngayon, nagbabawas ng oras para sa mga tao dahil nga lockdown. Lalo na 'yung mga hindi essential workers, kina-cut down nila 'yung oras,” kuwento ni Makisig.


Ang ama raw ni Makisig ang nagdesisyong dalhin ang buong pamilya sa Australia para sa magandang future nila lalo’t sampu silang magkakapatid.


Aminado naman ang aktor na hindi naging madali ang buhay nila sa Australia lalo’t mga bata pa ang ibang kapatid niya noon, pero ngayon ay malalaki na silang lahat at may mga trabaho na base rin sa mga larawang ipinakita nito.


Paglalarawan ni Makisig, “Firstly, maganda for me dahil nandito ang family ko pati family ng asawa ko. Pero mahirap din sa totoo lang dahil kailangan mong pagtrabahuhan talaga lahat para maka-survive ka, para makakain ka, para makapagbayad ka ng bills and everything.


“Normal, kahit sa Philippines, ganu’n pa rin naman, pero ang patakaran ng payments, every week. Kailangan, every week, magbabayad, hindi katulad sa atin d’yan sa Philippines na every month ang bayarin. May mga adjustments din pero madali at mahirap.”


At dahil wala pang anak sina Makisig at Nicole ay nagkakatulungan sila sa lahat ng bagay.


“Happy, actually. Sobrang happy dahil hindi ka na mag-isa gumagawa nu’ng mga bagay na masaya kang gawin. Puwede mo na siyang gawin together with your wife tulad ng pagtatrabaho.


“Thankful ako kasi si Nicole, sobrang masipag. So ayun, nagagawa na namin parehas 'yung gusto naming gawin and masaya kami kasi magkasama kaming dalawa,” pahayag nito.


Samantala, gusto pa ring manirahan ni Makisig dito sa Pilipinas.


“Pero kung ako ang papipiliin, gusto ko pa ring manirahan sa both, gusto ko pa ring manirahan sa Philippines and gusto ko pa rin manirahan dito,” saad niya.


Hindi pa rin daw isinasara ni Makisig ang pinto niya sa showbiz na 'pag may magandang offer ay tatanggapin niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page