top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 04, 2021


ree

Inilunsad ang bagong local channel ng TV5 na BuKo o Buhay Komedya at mapapanood dito nang 24-oras ang mga bagong programa at ‘yung mga programang nagpasaya noong 80's hanggang year 2000 tulad ng Iskul Bukol, Wow Mali, Bubble Gang, OGAG, Loko Moko, Tropang Trumpo at iba pang comedy TV hits.


Mayroon ding Throwback Tawanan katulad ng Pidol’s Wonderland, Celebrity Samurai, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, at marami pang-iba.


Pero siyempre, ang mga bagong aabangan ay ang cooking show ni Pokwang na Kusina ni Mamang at ang #MaineGoals ni Maine Mendoza.


Ipinagmamalaking ikinuwento ng CEO at presidente ng APT Entertainment na si Direk Michael Tuviera na kasama nila si Maine Mendoza sa mga nagbuo kung anong magandang ilalaman ng BuKo.


“Maraming ideas si Maine, eh, very creative. So 'yun ang gusto naming bigyan ng priority. In terms of sitcom, she has a current sitcom now, so parang hindi naman namin 'yun ipa-priority kay Maine.


“Marami po kaming naka-line up for Maine at pina-prioritize namin 'yung mga medyo passion projects niya. 'Yung medyo gusto niya, pero hindi siya nabigyan ng chance to fulfill.


“But there are so many other concepts, genres na puwede niyang gawin at gusto niyang gawin. At sobra siyang excited.”


Sa ginanap na virtual mediacon sa launching ng BuKo na nagsimula nang mapanood nitong Lunes, isa pala ito sa bucket list ni Maine, ang maging parte siya ng creative ng BuKo. Kaya ang tanong ay gaano siya ka-involve sa behind the scenes?


“Well, I’m actually grateful kasi co-produced ng APT (Entertainment, nagma-manage sa kanya) and siyempre, Cignal (TV) na sobrang thankful ako and I’m very much involved since pre-pandemic. Kasi matagal na rin itong pinlano po, eh, siguro 2 years ago ‘yung first meeting namin about this, so natutuwa ako kasi I can freely voice out my thoughts about the show and I really feel like they listened what I have to say.


"So honestly, para akong hindi nagwo-work kasi kung ano ‘yung mga gusto kong gawin and kung ano ‘yung mga bagay na super interesting for me ay sinasabi ko sa kanila and they really make sure na magagawa namin ito sa show,” masayang kuwento ng TV host-actress.


Halos lahat ng programa sa telebisyon at pelikula ay nagpapatawa si Maine, pero hindi niya kino-consider na komedyana siya kaya tinanong siya kung saan siya komportable — magpatawa o magpakilig?


“Magpatawa siguro, pero kasi, surrounded ako ng mahuhusay na komedyante from Bulaga, so, nakakatuwa na in a way, nate-train din ako. So, doon ako sa comedy (side),” sabi ng dalaga.


Ano naman ang memorable role ni Maine bilang komedyana at bakit?


“None in particular kasi everyday, tuwing papasok ako sa Bulaga!, parang meron akong laging pinagtatawanan, may happy moment for me. So, araw-araw na ginawa ng Diyos sa buhay ko since I started in showbiz, parang lahat ‘yun sa akin, memorable. So, wala akong ma-consider na role na ito lang ang tumatak sa akin kasi everyday of my life, I’m being surrounded by great comedians. Sobrang naging happy talaga ang buhay ko."


Paano naman naitatawid ni Maine ang mga araw na wala siya sa mood pero nagagawa pa rin niyang magpatawa?


“Kasi it’s part of the job, eh. So, parang whatever it is in your feeling, parang you have to get the job done,” katwiran ng dalaga.


Samantala, isa sa mga episodes ng #MaineGoals ay ang farming na talagang ini-enjoy ng dalaga dahil natuto siyang gumamit ng traktora at maggapas na ang mga nagturo ay mismong mga magsasaka.


“Actually, tinext ko na ‘yung nanay ko, nagpapahanap ako ng lupa sa Bulacan kasi after doing all of these, gusto ko ring magkaroon ng farm in the future, 'di ba? So, isa rin ‘yun sa mga nilu-look forward ko na when everything is all done,” pagtatapat ni Maine.


At ang una raw niyang itatanim sa farm niya, “Tomatoes, ‘yun talaga agad, tomatoes, kasi sobrang na-enjoy ko ‘yung pag-harvest ng tomatoes, tapos kino-consume ko agad-agad kaya sana, ma-achieve ko ‘yang tomato farm.”


Anyway, mapapanood ang #MaineGoals sa TV5 tuwing 7:30 PM mula Lunes hanggang Biyernes produced ng APT Entertainment at Cignal TV.

 
 

'DI NAKASAMA SA SERYE NI COCO.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 01, 2021



ree

In love nga talaga sina Coco Martin at Julia Montes sa isa’t isa. Kasi ba naman, inamin ng aktor na natetensiyon siya habang nagbe-brainstorming sila kasama ang buong Dreamscape Entertainment production para sa bagong kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano para sa kanilang 6th anniversary.


Inamin ito ni Coco sa panayam sa kanya ni MJ Felipe sa TV Patrol.


“Ako ‘yung kagabi, hindi nakatulog. Kahapon, nagbe-brainstorming kami rito, ako ‘yung tensiyonado kasi siyempre, parang… kasi makakasama ko siya (Julia), eh. Alam mo ‘yung parang hindi ako puwedeng magkamali this time! Parang dito pa ba ako sasablay?”


Sa madaling salita, gusto ng aktor na perfect lahat ng gagawin niya para kay Julia. So, ano'ng ibig sabihin nu’n?


Bukod dito ay iba ang awra ni Coco habang nagkukuwento at katabi si Julia at gayundin ang aktres na super fresh ngayon at ang ganda rin ng mga ngiti habang nakatingin sa leading man niya.


Say naman ni Julia sa ipinakitang effort ng aktor para sa kanya, “Sa nakita ko rin kay Coco, parang dito lumabas ‘yung creative side niya. So, to be part of this big project, parang hindi makukumpleto ang isang career mo sa trabaho mo as an actor kapag hindi ka napasok sa Probinsyano.”


Oo nga, halos lahat ng mga artista ay gustong maging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano na kahit mga taga-ibang TV network ay pangarap din ito. Sabi nga, hindi kumpleto ang career kung hindi napabilang sa action serye ni Cardo Dalisay.


Kuwento pa ni Coco, tinuruan niya si Julia sa pagbaril, pagmo-motor at fight scenes bilang preparasyon sa pagpasok nito sa serye.


Samantala, gamay na ng dalawa ang isa’t isa kaya komportable sila at nagsimula raw ito sa unang serye pa lang nilang Walang Hanggan nu'ng 2012.


Natatawang kuwento ni Coco, sinusungitan pa niya noon si Julia habang tinuturuan niya. Pero nu'ng nakabuwelo na raw sila ay lumabas din ang chemistry nila.


Halatang may kilig na nararamdaman sina Coco at Julia kaya hindi nila ito naitago dahil kita sa facial expression nila.


Anyway, bukod kay Julia ay pasok din sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco na pawang may mga acting award na.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 31, 2021


ree

Kahapon, Biyernes, ginanap ang storycon ng mga bagong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa pangunguna ni Julia Montes na bagong leading lady ni Coco Martin pagkatapos mawala si Yassi Pressman at si Jane De Leon naman ay paalis na rin ng serye dahil kailangan na niyang lumipad bilang si Darna na anytime soon ay magte-taping na.


Base na rin sa ipinadalang press release ng Kapamilya Network sa pagpasok ni Julia sa action serye ni Coco ay abangan kung ano ang magiging karakter ng aktres.


Ito ang magsisilbing TV reunion project nina Julia at Coco pagkatapos ng ilang taong panawagan ng mga fans na pagtambalin silang muli kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan noong 2012, na sinundan pa ng Ikaw Lamang nu'ng 2014 at Wansapanataym: Yamashita’s Treasure nu'ng 2015, na lahat ay panalo sa ratings game.


Pasok din sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo at Joseph Marco sa serye na kaabang-abang kung ano ang mga karakter ng mga nabanggit ngayong anim na taon na sa Setyembre ang AP.


Tinanong namin ang handler ni Julia sa Cornerstone Entertainment na si Mac Merla kung ano ang role ng aktres.


“Sa ngayon, wala pa kaming timeline. Now pa lang pag-uusapan ang story and character niya,” sabi ni Mac.


Dagdag pa nito, “Production asked her to be part of FPJ’s Ang Probinsyano. Nagpaalam po ang Dreamscape if okay si Julia, so we asked Julia and of course, she said ‘yes.’"


Nakausap namin ang ilang supporters nina Coco at Julia na CocoJuls4ever at sobrang excited sila nang mabalitaan nila na muling magsasama sa serye ang mga idolo nila.


“Ang saya po namin, hindi namin ma-contain ‘yung excitement. Ang tagal po naming naghintay,” sabi ng isa sa mga miyembro ng grupo.


Oo nga ano, anim na taon ang lumipas bago muling nagsama sina Coco at Julia, at dahil sure na kaming malakas ito ay posibleng ma-extend ulit ang FPJ’s Ang Probinsyano.


Posible kayang isa pang taon ang serye hanggang Setyembre, 2022? Abangan!


Anyway, dire-diretso pa rin ang online school ni Julia sa Southville International School and Colleges, pero nakatapos na siya ng culinary arts niya sa Center of Culinary Arts Manila.


Napapanood na rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ibang bansa tulad ng Myanmar, Laos, Vietnam, Thailand at 41 bansa sa Africa dahil sa The Filipino Channel at Netflix,

Kaya abangan ang kuwento ng serye gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page