top of page
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 12, 2021


ree

Paborito talaga ng Viva Films si Direk Darryl Yap dahil kapapalabas pa lang ng latest movie niyang Revirginized ni Sharon Cuneta ay heto at may bagong pelikula na naman siyang ipalalabas, ang 69+1 nina Janno Gibbs, Rose Van Ginkel at Maui Taylor na mapapanood na sa Setyembre 2 sa Vivamax.


Ayon kay Janno ay marami na siyang nagawang sex-comedy movies pero itong 69+1 ang pinaka-daring niya, bukod pa sa tungkol sa lesbian lovers ang kuwento ng pelikula.


Napanood nga namin ang trailer at talagang napaigtad kami sa aming kinauupuan dahil sa malalaswang dayalogo na akala mo ay nanonood kami ng porno.


Ito ang kaibahan ng walang MTRCB na malayang mapapanood ang mga ganitong klaseng pelikula sa online.


Kaya pala sabi ni Direk Joel Lamangan, enjoy na enjoy siya nu’ng isinu-shoot niya ang pelikulang Silab nina Chloe Barretto, Marco Gomez at Jason Abalos dahil wala siyang agam-agam na baka magunting ang mga erotic scenes niya sa pelikula.


At marahil, ganito rin ang pakiramdam ni Direk Darryl dahil halos lahat ng pelikula niya ay may mga vulgar words, pero itong 69+1 ang pinakamatindi sa 9 movies na nagawa niya sa Viva Films.


Anyway, si Janno ang 3rd party sa relasyon nina Maui at Rose at may love scenes, huh? Pero hindi naman malaswa, sabi ng cast.


“May love scenes na kaming tatlo ang magkakasama, but the thing is it’s all presented in a comedic way kaya mas nakampante ako. Hindi naman siya ‘yung serious na sexy.


“Sa shooting naman, shooting those scenes was comfortable enough because the three of us know each other. We’ve worked together before at medyo naging friends na rin kami.


“They’re very professional, sobrang daling gawin 'yung scenes because they’re one hundred percent dedicated to the film,” kuwento ng komedyante.


Hindi raw nakaramdam ng malisya si Janno habang kaharap ang magagandang katawan nina Maui at Rose.


“Sa totoo lang, kapag nandoon ka na - artista lang ang makakaintindi nito - kapag nandoon ka na sa eksena na sensitive, naka-focus ka kasi maraming camera ang nakatutok sa ‘yo. Maraming tao ang nanonood, maraming ilaw, so hindi ka na makakaramdam ng malisya.


"Ikaw ba, makakaramdam ng malisya, ang daming nakatutok?” dagdag pang katwiran nito.

Pero hirit naman ni Maui, naniniwala siya na kahit maraming tao sa set ay makakaramdam pa rin ang lalaki.


Anyway, natanong si Janno kung hahayaan niyang mapanood ng pamilya niya ang ginawa niya sa 69+1.


“Hindi ko ipinapanood sa kids ko at sa wife (Bing Loyzaga) ko. It’s different for me. I have daughters. Although, naiintindihan nila, but it’s awkward to actually watch your dad’s film,” pagtatapat ng aktor.

 
 

ILONG KAYA NAG-POSITIVE SA COVID.


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 11, 2021


ree

Kaya pala sinasabi ni Ellen Adarna na kaya siya umalis na sa taping ng John en Ellen ay dahil gusto niyang pangalagaan ang kanyang health ay dahil napasukan siya ng “positive control stick” na naging dahilan kaya siya nag-positive sa COVID-19.


“Hindi na namin pinalabas, pero si Ellen, pinasukan ng positive control stick. I want to talk about this so that people can be informed what a positive control stick is. Kasi kapag nagpa-antigen test ka, each antigen test, ‘yung swab na po ‘yun ay kulay pula at ‘pag pinasok po ‘yun sa ilong mo, it’s going to come out positive because that has deadly coronavirus on it na hindi dapat ipinapasok sa ilong ng tao ‘yun.


“Buti na lang nai-video ni Ellen ‘yung exit swab niya and naipakita na nag-positive siya kaya nag-freak out si Ellen. Ipinaulit namin ‘yung antigen, negative at ipinaulit-ulit namin, negative at kaming lahat ang nagbabayad nito. Pag-uwi ng Manila, nagpa-PCR kaming lahat na close contact at negative naman na. Kami lahat ang gumastos na hindi namin charged sa production ng John en Ellen.


“Twenty days na hindi nakita ni Ellen si Elias and that’s very, very stressful for a mother not to see her child for that long. Ang hirap kasi kapag nagtanong ka about protocol, iisipin, mahirap kang katrabaho. Gustong magtrabaho ni Ellen, naninigurado lang po,” pagtatapat ng fiancé ni Ellen na si Derek Ramsay kay Ogie Diaz sa YouTube channel nila ni Mama Loi na Ogie Diaz Showbiz Update.


Hindi itinanggi ni Derek na nandoon siya sa resort kung saan naka-locked-in taping si Ellen para sa programang John en Ellen na umeere sa TV5 dahil open naman ito at hindi naka-exclusive at nasaksihan niya ang sinasabing umano’y walkout daw na hindi totoo dahil tinapos ng aktres ang lahat ng eksena niya.


Kuwento ni Derek, “Nandoon ako nu’ng nangyari (sinasabing walkout ni Ellen), kasi po, hindi naman sila naka-bubble, so bukas ‘yung resort and I was able to stay there at malayo po ‘yung resort sa San Juan, Batangas. So, doon ako natulog kasi ako ‘yung mag-uuwi kay Ellen.


“Doon ako natulog at hindi ako lumabas ng kuwarto and I think people can attest to that na doon lang ako sa kuwarto namin. ‘Yung mga bagay na sinabing kumakain kami ng bulalo or whatever, hindi ko alam kung paano nila nalaman ang inoorder namin at hindi ko nga alam kung nakatikim ako ng bulalo. Pero kung ano ang kinain namin sa sarili naming kuwarto ay kami po ang nagbayad nu’n. So, kung gusto nilang makakita ng resibo, puwede naman nating gawin ‘yun.


“Ellen was given a choice of extending the night before para matapos ang mga eksena na kailangang tapusin, pass the required IATF rules, nakiusap sila na ‘yung 12-hour rule na ire-release na lang siya ng 12 o’clock noontime the next day, so tinanggap na ni Ellen kesa late na naman siyang matapos sa last day, delikado naman kaming magbiyahe nang hatinggabi pauwi.


“Sabi ko kay Ellen na ‘Magandang deal ‘yan, tanggapin mo na lang, 12 noon, tapos ka na.’ Pero hindi naman siya natapos ng 12 noon, umabot pa ng 1:30 (PM). So after that scene, umalis kami at ako ‘yung taga-karga ng bagahe. ‘Di ba, sabi nga ni Long (Mejia), ako ‘yung PA at utility? Alam ko namang nagbibiro lang si Long at nag-public apology na rin si Long kasi hindi naman niya alam ‘yung mga bagay na nangyayari, which is ‘yung usapan nga ng production.”


Dagdag pa, “‘Yung sinabing hindi nakikisama si Ellen sa set, I think people should understand that we are in a pandemic and the rules. And you should also respect her wishes na pagkatapos ng eksena, rather than makipagtsikahan on the set and all of that, she wants to be safe and just stays in her room because she doesn’t want to risk getting sick, kasi babalikan niya ang anak niya, babalikan niya ako at babalikan niya ang magulang ko.”


Ang hindi nito pakikipag-bonding sa lahat ang sinasabing hindi nakikisama si Ellen.


“Lagi nga siyang umoorder ng pagkain para sa mga tao sa set. Sabi nga ni John sa akin and God is my witness, sabi niya, ‘Kaya namin mahal na mahal si Ellen kasi madaling katrabaho at masaya,’ so I don’t know why nasabi ni Long na hindi nakikisama. Eh, baka si Long, gustong magpatawa, Ellen wants to be safe.”


May binanggit si Derek na magre-report si Ellen at management niya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions o IATF dahil lumabag sa COVID-19 health protocols sa taping ng John en Ellen.


Samantala, inamin ni Derek kay Ogie na hindi na niya kaibigan si John Estrada pero kinlaro niyang hindi sila magkaaway.


“Hindi ko siya kaaway, hindi ko (na) siya kaibigan. He’s no longer a friend of mine. I just don’t want to associate myself with John.


“Magsisinungaling ako kung (sasabihin ko) walang kinalaman ‘yung nangyari kay Ellen, pero 'yun ‘yung icing on the cake. ‘Yun ang nag-push sa akin na okay, enough is enough.


“I think naramdaman niya ‘yung galit ko. I think na-understand naman ni John kung saan ako nanggaling. And in fairness to John, he was very apologetic about the experiences. Ayaw ko nang palakihin ‘to kasi marami nang nangyari.


“Pero, there were certain things na ‘di ko na puwedeng tanggapin. For me, you go on with your life, I'll go on with my life and I wish him well,” very cool na paliwanag ni Derek.


“Nangyari ang isyung ito noon pang Hunyo, bakit ngayon lang ito lumabas?” tanong ni Ogie kay Derek.


“Hindi ko alam, ikaw na lang magsabi kung ano. Ako kasi ang artistang hindi gumagawa ng gimik,” sagot kaagad ni Derek.


“I don’t make gimmick to make my show rate or to make my films successful!” sambit pa nito.


Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Derek si John dahil naging malaking bahagi ito kaya niya nakilala ang babaeng makakasama niya habambuhay.

 
 

NI ANGEL AT IPAG-SHOPPING MO PARA MASAYA KAYO!


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 09, 2021


ree

Panay ang pasalamat ng Mommy Jean ni Neil Arce dahil nagpakasal na ang nag-iisa niyang anak sa edad na 38 kay Angel Locsin.


Kuwento ng mommy ng film producer/director na naka-upload sa The Angel and Neil channel sa YouTube, “Alam mo, super happy talaga akong magpapakasal ka na ngayon kasi 38 years old ka na! Alam mo, ‘yun lang naman ang request ko sa ‘yo, ‘di ba, na sana magpakasal ka habang maganda pa ako (natawa si Neil) kasi baka mamaya, hindi na maganda ang skin ko, hindi na ako mukhang bata pa.


“At the age of 38, I’m so happy you’re getting married ‘coz finally, Angel will take care of you and not me anymore!” masayang sabi ng ina ni Neil.


Payo pa ni Mommy Jean sa anak, “The best thing, maging ‘under’ ka, sundin mo ang lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo.”


Sundot ng hubby ni ‘Gel, “Ngayon pa lang, uumpisahan ko na (puro) ‘Okay-okay.’”


Tuloy ni Mommy Jean, “Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay. Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel. ‘Pag nagkaanak kayo, dapat ikaw ang mapupuyat, hindi si Angel.


“Gusto mong maging masaya ang asawa mo? Ipag-shopping mo. Happy wife, happy life!”

Nakikinig naman si Neil sa ina sabay tanong, “Kailan mo na-realize na si Angel ‘yung ‘the one?’”


Sagot sa kanya, “Binigyan mo nga ako ng 5 minutes’ speech sa wedding mo, eh.”


“Ano na lang ang reaction mo nu’ng sinabi kong pakakasal na ako?” tanong ni Neil sa ina.


“Sobrang saya ko! Kasi si Angel, napaka-down-to-earth talaga niya, parang match kami,” sabi ng ina.


Dagdag pa niya, “Kasi si Angel, nu’ng nalaman ko na ikakasal na kayo, sabi ko, ‘Finally.’ Remember ‘yung sa ring (engagement ring).


“Manonood ako ng sine nu’n, mga 5 minutes to go, start na ‘yung movie, biglang tumawag si Neil, eh, lagi kong pini-pick-up ‘yung tawag niya.


“Biglang sabi sa akin, ‘Mommy, mommy, kailangan na tayong kumuha ng ring,’” kuwento ng mudra nito.


“Ang inside story kasi, sabi ko, hindi ako gagalaw sa bank account ko. Pero from now on, lahat ng kikitain ko, roon mapupunta (bank account). Sabi ko kay Lord, ‘Lord, ikaw na ang bahala kung gaano katagal ‘yun!’ Nagulat ako some weird reason in two months, naabot ko ‘yung amount,” kuwento ni Neil.


Sabi pa ni Mommy Jean, “Right now? Eh, (in) 5 minutes, manonood ako ng sine. ‘Oo, Mommy, right now.’ So, hindi ko na-enjoy ‘yung movie kasi kailangan kong tawagan ‘yung (alahera), ‘yung ring na ibibigay niya kay Angel.”


“Tingin mo ba, ready na ako (mag-asawa)?” tanong ni Neil sa ina.


“Oo naman, reding-ready ka na. Sa akin pa lang, pag-aalaga mo sa akin, kayang-kaya mo na ‘yan. Sobrang bait na anak ‘yan! Ibang klase. Kaya mo nang alagaan ang asawa mo at mga anak mo. Take note, mga anak, ha?” diin nito sa anak.


Samantala, sa edad na 38 ay hindi pala marunong mag-empake ng mga gamit si Neil.


“Sa totoo lang, lagi naman ako ang sisi niyan, eh. Gagawin lang niya, ‘Neneng, empake mo ako.’ Tapos na. Tapos, pagdating sa ibang bansa kung saanman siya pupunta, ‘pag may kulang, galit siya kay Neneng.


“Kasi, ikaw ang dapat mag-empake para wala kang sinisisi ‘pag kulang (sabay tingin sa anak). Kasi baby pa ‘to, ako na lahat nag-eempake.”


At tandem daw sina Mommy Jean at Angel kapag tinatalakan si Neil.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page