top of page
Search

sa Miss U


ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 14, 2021


ree

Umiyak ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil sa mga pambabatikos sa social media sa kanyang performance sa National Costume competition.


Hindi naisuot ni Rabiya ang headpiece niyang araw na bahagi ng kanyang national costume bilang representasyon ng bandila ng Pilipinas.


Emosyonal na pahayag ni Rabiya, “I'm so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin but I know I did my best.”


Nasugatan din umano ang kanyang daliri kaya napuno ng dugo ang kanyang stockings.


Saad ni Rabiya, “I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko, puno na rin siya ng dugo but I keep fighting kahit wala nang oras.


"I didn't have time to retouch my hair, retouch my makeup. I was there, I was running for pins, I was running for scissors, for everything just to be able to execute the costume really well.”


Nagpasalamat din si Rabiya sa lahat ng sumusuporta sa kanya at aniya, “Maraming-maraming salamat talaga, guys, and I think in myself kanina, I felt really great. Feeling ko nu’ng naglalakad ako I was so beautiful nu’ng nakita ko ‘yung ngiti ng mga judges, ‘yung sigawan ng mga Pilipino, kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta.”


Samantala, ang yumao nang Filipino fashion designer na si Rocky Gathercole ang nagdisensyo at gumawa ng costume ni Rabiya sa tulong ng costume at jewelry designer na si Manny Halasan.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021



ree

Watawat ng Pilipinas ang naging inspirasyon sa inirampang national costume ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant, kung saan nauna nang nagpatalbugan ang mga kandidata ng iba’t ibang bansa na napanood via YouTube channel ng Miss Universe at Lazada kaninang umaga.


"I feel like I'm a Victoria's Secret angel right now," sabi pa ni Mateo habang suot ang national costume sa isang video clip na in-upload ng Miss Universe Twitter page.


Ayon sa ulat, pinagtulungan ng jewelry designer na si Manny Halasan at ng yumaong Pinoy international designer na si Rocky Gathercole ang pagdidisenyo sa damit ni Mateo.


Si Mateo rin ang unang pambato ng ‘Pinas na sumailalim sa pangangalaga nina Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup at beauty queen maker Jonas Gaffud.


“This outfit is inspired by the Philippine flag. The blue represents royalty, red stands for the courage and strength for an independent woman and yellow, the color of sun and stars, symbolizes freedom to choose whoever you want to be,” paglalarawan pa ng host habang rumarampa sa stage si Mateo.


Nakatakdang ganapin ang coronation night sa ika-16 ng Mayo (May 17 Manila time) na maaaring mapanood sa A2Z channel ng Philippine TV.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page