top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 1, 2021



Nakatakdang ilibot ang imahen ng Itim na Nazareno sa mga simbahan sa iba't ibang panig ng Luzon.


Ito ay sa kabila ng pagkakansela ng taunang prusisyon na Traslacion sa susunod na taon.


Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, bukod sa misa ay ililibot ang imahen sa Baguio City, La Union, Dagupan City, Cabanatuan City sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Atimonan at Lucena sa Quezon, San Pablo City sa Batangas at Imus sa Cavite, at dadaan sa simbahan sa Las Piñas at Baclaran Church sa Parañaque bago bumalik sa Quiapo Church.


Aniya pa, tuloy pa rin ang taunang Thanksgiving procession sa Disyembre 30 pero gagawin ito sa pamamagitan ng motorcade.


Nakatakda ring ilagak ang Poong Nazareno sa Sta. Cruz Church sa loob ng 9 na araw para masulyapan ang imahen.


Matatandaang inanunsiyo ni Badong noong nakaraang linggo na kanselado ulit sa susunod na taon ang Traslacion dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 5, 2021



Dumagsa ang mga magsisimba sa Quiapo Church ngayong unang araw ng alert level 2 sa Metro Manila.


Nataon ding Quiapo Day at unang Biyernes ng buwan ngayong araw.


Pinapayagan na ang hanggang 500 katao na fully vaccinated sa loob ng Quiapo Church dahil hanggang 50% na ang pinapayagan sa mga religious gathering sa Metro Manila.


Halos umabot hanggang Rizal Avenue ang pila ng mga tao sa lugar.


Mayroon namang distancing marks upang masunod pa rin ang minimum public health protocols.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 18, 2021



Nagpaalala ang pamunuan ng Quiapo Church para sa mga nais magsimba sa unang Sunday Mass habang nasa Alert Level 4 pa rin ang NCR.


Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, dapat ipakita ang vaccination card kung nais pumasok sa simbahan.


Mainam daw na may kopya ng retrato ng vaccine card sa cellphone. pero mas maganda anila kung nakalagay ito sa ID lace at nakasabit sa leeg.


Kung walang vaccination card ay maaaring tumayo sa gilid ng simbahan.


Mayroon din daw volunteers na hijos at iba pang nagsisilbi sa simbahan na katuwang nila sa pag-check ng pagsunod sa health protocols.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page