top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 10, 2023




Humiling sina Renato Reyes, pangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), at Max Santiago na ibasura ang kaso laban sa kanila ukol sa pagsunog ng effigy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang protesta sa nagdaang State of the Nation Address (SONA) nu'ng Hulyo.


Nagsumite ng joint counter-affidavit sina Reyes at Santiago sa QC Office of the City Prosecutor.


Nakasaad sa affidavit na walang merit ang kasong isinampa sa Bayan at nagpapakita lang ito ng hangaring guluhin sila at malinaw itong paghamak sa mga layunin ng pagsusuri bago litisin.


Matatandaang nagsampa ng kaso ang Quezon City Police District laban kay Reyes; Santiago, gumawa ng effigy; at tatlo pang indibidwal.



 
 

ni Lolet Abania | May 30, 2021




Tatlong menor-de-edad na nasa 10, 12 at 14 ang inabuso umano ng sinasabing lider ng kulto sa Quezon City.


Kinilala ang suspek na si Romeo delos Reyes, isang janitor, lider ng isang religious group at isa rin umanong witch doctor.


Batay sa salaysay ng tatlong bata, minolestiya sila ni Delos Reyes habang hinahawakan nito ang maseselang bahagi ng kanilang katawan para tuluyan umanong gumaling sa kanilang sakit.


“Base dito sa isang nanay, ‘yung kanyang anak ay biktima ng panggagahasa kasama ‘yung dalawang bata. Biktima ng panggagahasa ng isang suspect na sinasabi nilang leader ng kulto,” ani Police Lieutenant Colonel Elizabeth Jasmin.


Ayon pa kay Jasmin, ang mga bata ay hini-hypnotize muna kaya pumapayag ang mga ito na hawak-hawakan ng suspek dahil parte umano ito ng mga blessings na matatanggap nila.


Nakadetine na si Delos Reyes habang itinanggi ang reklamong sexual assault o pang-aabuso sa mga bata subalit inamin nitong hinawakan niya ang dibdib ng isa sa kanila.


“Kasi minsan, may puyatan kami magdasal, so du'n na kami natutulog. May mga kasama kami so pa’no masasabing inaano sila kung meron akong mga kasama?” depensa ni Delos Reyes.


Nahaharap ang suspek sa kasong rape in relation to child abuse at illegal possession of ammunition matapos na makakuha ng mga bala sa bahay niya na kanya ring itinanggi. Agad namang ipinatigil ng Barangay Damayang Lagi ang naturang religious group.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page