top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 7, 2021



Nasa 24,994 na mga minors with and without comorbidity ang nabakunahan na ng first dose kontra COVID-19 sa Quezon City, as of November 6, 2021.


Batay sa datos ng QC government, umabot na sa 1,791,522 o 105.38% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated, kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.


Nasa 1,931,031 residente at workers naman sa QC ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.


Patuloy naman ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan ng Quezon City na magparehistro sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

 
 

ni Lolet Abania | November 3, 2021



Nagpahayag ng suporta si Quezon City Joy Belmonte hinggil sa pagpapatigil ng pagsusuot ng face shield, kung saan isa sa requirements pa rin ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa isang interview ngayong Miyerkules, sumang-ayon si Belmonte sa desisyon ng ibang local government units (LGUs) na ang pagsusuot ng face shields ay gawin na lamang optional. “I believe that it is the right thing to do,” ani Belmonte.


“It doesn't actually work for the purpose it should serve. It is just there for the compliance. If that is the case, we might as well do away with it and just stress wearing facing face masks,” dagdag ng mayor.


Batay sa kanilang city ordinance, sinabi ni Belmonte na nire-require lamang ng QC government ang pagsusuot ng face shields sa mga closed spaces.


Kahapon, ayon sa Malacañang, ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force ang pabor sa pagpapatigil ng mandatory use ng face shield kapag nasa labas dahil na rin anila sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.


Gayunman, giit ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala pang pinal na desisyon IATF kung ang face shield ay tuluyang aalisin.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 30, 2021



Dumagsa sa Quezon City Hall nitong Biyernes ng madaling araw ang daan-daang katao matapos umanong kumalat ang impormasyong may ipamimigay na pera ang lungsod.


Ayon sa ilang pumunta, may balitang may bigayan daw ng P10,000 ayuda ang QC local government unit.


Ang ilan sa kanila ay nakita naman ang social media post tungkol sa "Pangkabuhayan QC," habang ang iba ay basta na lang daw pumunta.


Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, walang katotohanan na namimigay ng P10,000 ayuda ang lungsod dahil ang talagang pinapipila ay ang mga magbibigay ng requirements para sa programang "Pangkabuhayan QC."


"Around 85 percent ng pumunta, P10,000 ayuda ang hinahanap," sabi ni Belmonte.

Ang Pangkabuhayan QC ay pagbibigay ng P5,000 hanggang P20,000 para sa mga nawalan ng trabaho o nagsara ang negosyo dahil sa pandemya.


Ayon pa kay Belmonte, posibleng may nagpakalat ng fake news kaya't dinagsa ang labas ng city hall.


Nakikiusap ang alkalde sa mga nagpapakalat nito na tumigil na dahil kawawa naman ang mga umasa.


"Sa mga nagpapakalat ng fake news tigilan niyo na, nawalan na nga ng trabaho niloko niyo pa," aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page