top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 13, 2021




Magsisilbi bilang COVID-19 mega vaccination site ng Quezon City ang Smart Araneta Coliseum, kung saan kaya nitong i-accommodate ang mahigit 1,000 hanggang 1,500 indibidwal simula sa ika-15 ng Mayo, ayon kay Mayor Joy Belmonte.


Aniya, "It is a suitable site for a massive and critical government health drive since it offers adequate space and accessibility to both our healthcare workers and the public."


Tugon naman ni Araneta Group SVP Antonio Mardo, "We are very pleased to accommodate the QC LGU's vaccination campaign inside the Smart Araneta Coliseum. This is our contribution to the government's efforts to control the surge of COVID-19 cases in the city and to improve public health.”


Sa ngayon ay 2,539,693 indibidwal na ang mga nabakunahan kontra COVID-19. Tinataya namang 514,655 ang mga nakakumpleto ng dalawang turok, habang 2,025,038 ang nabakunahan ng unang dose.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 12, 2021




Hinuli at pinagmulta ang mga residenteng lumabag sa health protocols, partikular na ang mga walang suot na face mask at mga lumagpas sa curfew hours, batay sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa ilang lugar sa NCR Plus.


Ayon sa ulat, inilunsad ang one time, big time operation sa Quezon City ngayong umaga, kung saan hindi pa matukoy kung ilang violators na ang mga nahuli at dinala sa Quezon Memorial Circle upang doon i-orient at isyuhan ng tiket.


Pinagmulta naman ng P300 hanggang P350 ang mga nahuli.


Samantala, mahigit 300 residente mula sa iba't ibang lugar sa San Pedro, Laguna ang dinampot ng mga pulis kagabi dahil sa paglabag sa curfew hours at city ordinance.


Kabilang dito ang 145 na residenteng walang suot na face mask at hindi tama ang pagsusuot, habang 155 naman ang residenteng hinuli dahil sa curfew hours.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iikot ng mga awtoridad sa bawat barangay upang matiyak na nasusunod ang ipinatutupad na health protocols laban sa COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | May 6, 2021




Sinuspinde ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga trabaho sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City simula May 10 hanggang May 14 para sa gagawing disinfection.


Ayon kay Velasco, ito ay bilang preparasyon sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Mayo 17.


Dagdag niya, isasagawa rin ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa lahat ng empleyado ng House of Representatives sa Mayo 10, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa South Wing Annex.


Aniya, prayoridad na maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga House employees na nasa health services, mga senior citizens, persons with comorbidities at frontline personnel sa mga essential sectors, kabilang na ang mga uniformed personnel.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page