top of page
Search

ni Lolet Abania | September 6, 2021


ree

Isasailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula Setyembre 8 hanggang 30 sa kabila ng COVID-19 pandemic, pahayag ng Malacañang ngayong Lunes.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang granular lockdown ay sisimulan sa Metro Manila sa panahon ng GCQ bagaman aniya, “wala pang guidelines na inilalabas” hinggil dito.


“There are no guidelines yet since the Inter-Agency Task Force is yet to adopt a Resolution on granular lockdown,” ani Roque, kung saan ang ahensiya ang siyang policy-making body ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya.


Matatandaang ang Metro Manila ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), ang pinakamahigpit na quarantine classification, mula Agosto 6 hanggang 20 sa gitna ng pagdami ng kaso ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant.


Gayunman, ang quarantine classification sa Metro Manila ay ibinaba na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) na naging epektibo hanggang Setyembre 7.


Sa ilalim ng MECQ bahagyang pinapayagan ang non-essential services na mag-operate.


Samantala, umaabot na sa mahigit sa 20,000 kada araw ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) sa nakalipas na tatlong sunod na araw ng naturang bilang.

 
 

ni Lolet Abania | July 15, 2021


ree

Isasailalim ang Metro Manila at ibang mga lungsod at lalawigan sa buong bansa sa general community quarantine (GCQ) status mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ngayong Huwebes.


Sa isang video message mula sa Palasyo, ang mga lugar na nasa GCQ ay ang mga sumusunod:

• National Capital Region

• Baguio City

• Apayao

• Santiago City

• Isabela

• Nueva Vizcaya

• Quirino

• Bulacan

• Cavite

• Rizal

• Quezon

• Batangas

• Puerto Princesa City

• Guimaras

• Negros Occidental

• Zamboanga Sibugay

• Zamboanga City

• Zamboanga del Norte

• Davao Oriental

• General Santos City

• Sultan Kudarat

• Sarangani

• South Cotabato

• Agusan del Norte

• Surigao del Norte

• Agusan del Sur

• Dinagat Islands

• Surigao del Sur

• Cotabato City


Ang mga lugar naman sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Hulyo 16 hanggang 31 ay ang mga sumusunod:

• Bataan

• Cagayan de Oro City

• Davao Occidental

• Davao de Oro

• Davao del Norte

• Davao del Sur

• Butuan City


Ang Iloilo City at Iloilo province ay isasailalim sa MECQ mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 22.


Samantala, ang mga lugar na isasailalim naman sa GCQ with heightened restrictions hanggang Hulyo 22 ay ang mga sumusunod:

• Cagayan

• Laguna

• Lucena City

• Naga City

• Aklan

• Bacolod

• Antique

• Capiz


Para sa GCQ with heightened restrictions mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31:

• Negros Oriental

• Zamboanga del Sur

• Davao City


Ayon pa kay Roque, ang mga lugar na hindi nabanggit ay isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).


 
 

ni Lolet Abania | June 21, 2021


ree

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagtatanggal ng community quarantine classifications upang bigyan ang mga lokal na opisyal ng malawak na deskripsiyon sa pagpapatupad ng anti- COVID-19 measures, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa regular na media briefing, kinumpirma ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang report na pinag-iisipan na ng gobyerno ang pag-aalis ng COVID-19 quarantine classifications sa hinaharap.


“That’s the long-term goal. That’s not going to happen now or next month,” ani Vergeire. “We’re discussing it because we want to have safeguards in place so that we can avoid the risk of having further transmission.”


Sa hiwalay naman na media interview, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na magiging posible lamang ang pagtatapos ng quarantine classification system kapag nakamit na ng bansa ang tinatawag na herd immunity, kung saan kailangang 70% ng populasyon ay nabakunahan na.


Gayundin, sinabi ni Densing na maraming mga governors ang humihiling na bigyan sila ng mas maraming pribilehiyo para magpatupad ng granular lockdown.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page