top of page
Search

ni Jeff Tumbado | May 1, 2022


ree

Pinakilos na ni Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. General Remus Medina ang kanyang mga tauhan para beripikahin ang impormasyong pagkakaroon ng private army ng isang congressional candidate sa Quezon City.


Ito ang inihayag ni General Medina kaugnay sa napaulat na pagdadala ni Rose Nono-Lin ng kanyang private army sa tuwing nangangampanya.


Si Lin ay kumakandidato bilang kongresista sa ikalimang distrito ng lungsod Quezon.


"We are validating reports regarding the information, we will take action, we will pursue them if it's true," wika ni Medina.


Sinabi pa ni Medina na kanilang aalamin kung sinu-sino ang mga indibidwal na kabilang sa private army ni Nono-Lin.


"As far as the PNP is concerned, possible na may kabilang na pulis sa kanila," pahayag ng opisyal.


Batay sa nakalap na report, hindi bababa sa walong bodyguards na pawang mga armado ng baril ang umano’y kasa-kasama ni Nono-Lin, bukod pa sa mga security personnel na nakatalaga sa mga headquarters nito.


Sa ilalim ng Omnibus Election Code ng Commission on Elections (Comelec), kasabay na rin ng kanilang paghihigpit ay ipinagbabawal ang maraming security escorts sa panahon ng campaign period at pinahihintulutan na dalawa lamang ang nakatokang security details sa bawat local candidate.


Siniguro naman ni General Medina na maipupursige ang kaso laban kay Nono-Lin kung mapatunayan na may private armed group ito.


Binalaan din ni Medina ang lahat ng kandidato sa Quezon City na mahigpit ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa escorts at private armed groups sa election period at handa aniya ang QCPD na ipatupad ang batas at buwagin ang nasabing mga grupo para sa matiwasay na halalan.


Nauna na ring nahaharap sa mga reklamong vote-buying si Nono-Lin na naipatawag na rin ng Comelec upang ibigay ang panig nito sa mga akusasyon.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 28, 2022


ree

Patay ang isang Nigerian national habang nakatakas naman ang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) at PNP Drug Enforcement Group sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road sa Quezon City, kagabi.


Ayon sa mga operatiba, isang kilo ng umano'y shabu ang nabili sa kaniya.


"Itong namatay nakipag-engage sa mga pulis natin," ani Police Lieutenant Colonel Alex Sonido, hepe ng Batasan Police Station.


Nakuha mula sa napatay na suspek ang nasa dalawang kilo ng umano'y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon.

 
 

ni Lolet Abania | January 19, 2022


ree

Isang 15-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang 19-anyos na kanyang angkas nang sumemplang ang kanilang motorsiklo, matapos na takasan ang isang police checkpoint sa Quezon City ngayong Miyerkules ng madaling-araw.


Nakaposisyon ang checkpoint sa bahagi ng Banawe corner Calamba Streets, alinsunod sa ipinatutupad na Oplan Sita ng mga awtoridad.


Ayon sa mga police officers na naka-duty, sisitahin lamang nila ang dalawang binatilyo dahil sa wala silang suot na mga helmet.


Subalit sa halip na huminto sa checkpoint ang mga binatilyo, pinaharurot pa ng takbo ang kanilang motor. Agad naman silang hinabol ng mga naka-duty na mga pulis.


“They disobeyed deliberately the Oplan Sita and they sped off instead. However our TMRU (Tactical Motorcycle Riders Units) conducted the chase... The suspects, while being chased, they drew their firearm. Accidentally the firearm dropped,” ani Police Lieutenant Colonel Tyrone Valenzona, commander ng La Loma Police.


Umabot ang habulan sa C3 Road sa Caloocan City hanggang sa maaksidente ang motorsiklo ng dalawang binatilyo.


Sa salaysay ng 19-anyos na angkas, pinahihinto na niya ang kaibigan pero itinuloy pa rin nitong pinaharurot ang motor.


“Ayaw niya na ring pigilan, ayaw na niyang ihinto. Natatakot lang din po kaya niyakap ko na lang din siya. Noong nasa dulo na po, dire-diretso na po kami nu’n. Hindi namin akalain ‘yung lubak. Doon na po kami tumilapon. Doon na, nagdugo-dugo na ‘yung ulo

niya,” sabi ng binatilyo na nagtamo naman ng mga sugat sa kaliwang binti at balikat.


Ayon sa pulisya, isang caliber .38 pistol ang kanilang nakumpiska, kung saan itinapon umano ito ng 19-anyos na binatilyo sa gilid ng kalsada.


Gayunman, itinanggi ito ng binatilyo at hindi umano sa kanya ang baril.


Mahaharap ang binatilyong suspek sa mga reklamong disobedience at illegal possession of firearms in relation to Omnibus Election Code.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page