top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 4, 2023




Pinanatili ng Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon ng fuel subsidy para sa transport at agriculture sector sa susunod na taon.


Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, pinaglaanan ng P2.5 bilyong pondo ang subsidiya para sa nabanggit na sektor sa isinumiteng 2024 National Expenditure Program sa Kongreso.


Ang P 2.5B ay magiging tulong ng gobyerno sa mga tsuper at operator ng public utility vehicles (PUVs) na ilalagay sa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr).


Hindi aniya binago ang halaga ng subsidiya kagaya ng pondo ngayong 2023.


Sa ilalim ng programa, binibigyan ng gobyerno ng P6,000 na halaga ng fuel vouchers ang mga kwalipikadong tsuper at operator ng PUV at iba pang delivery service upang maibsan ang pasanin sa epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.



 
 

ni Mai Ancheta @News | July 19, 2023




Ikinakasa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng P 6,000 one-time fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng public utility vehicles (PUVs) sa ilalim ng fuel subsidy program.

Layon nitong mapagaan ang pasanin ng mga tsuper sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang one-time fuel subsidy ay planong ilarga sa Agosto.


Inaalam na ng ahensya ang bilang ng mga benepisyaryo.


Unang inilarga ang fuel subsidy noong panahon ng pandemya sa ilalim ng Duterte administration at itinuloy ng kasalukuyang administrasyon.


 
 

ni Jeff Tumbado | March 18, 2023



Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng special permit ng mga pampublikong sasakyan na papasada sa nalalapit na Holy Week ngayong 2023.

Sa ilalim ng Board Resolution No. 009, napagpasyahan ng LTFRB na sa halip na sa ika-2 hanggang sa ika-11 ng Abril, magiging epektibo na ang special permit para sa Holy Week ngayong taon simula sa ika-31 ng Marso hanggang sa ika-17 ng Abril.

Kasunod iyan ng Proclamation No. 90 ng Malacañang na nagdeklara sa ika-6 (Maundy Thursday) at ika-7 (Good Friday) ng Abril bilang regular holidays.

Sa ilalim din ng proklamasyon, pansamantalang inilipat sa ika-10 ng Abril ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan matapos tumapat sa araw ng Linggo ang orihinal na paggunita nito tuwing ika-9 ng Abril.

Batay sa resolusyon, ang pag-amyenda ng LTFRB sa bisa ng special permit ay bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya dahil sa mahabang holiday, pagluwag ng travel restriction, at muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

“With the five-day break, it will give more Filipinos the chance to spend more time with their families in the provinces and for spiritual reflection during the Holy Week. That is why the Board decided to change the duration of Special Permits so that the commuting public is assured of sufficient supply of public transportation that would take them to their destination,” pahayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page