top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 18, 2024



ree

Natanggap na ng Duke of Sussex na si Prince Harry ang pagkakaroon ng cancer ng amang si King Charles III.


Sa isang pahayag, sinabi nitong agaran ang naging kanyang pagbalik sa United Kingdom matapos malamang may cancer ang ama ngunit hindi rin nito ikinailang gusto niyang maging US-citizen.


Saad ni Prince Harry, natuwa siyang parang walang epekto ang sakit sa kanyang ama.


Ito ang unang beses na nagsalita ang Prinsipe patungkol sa pagkakaroon ng cancer ni King Charles III.


Matatandaang kamakailan ay pumutok ang balitang may cancer ang Hari matapos na magpatingin para sa kanyang lumalalang prostate.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021


ree

Nanganak na si Meghan Markle sa second child nila ni Prince Harry na pinangalanang Lilibet ‘Lili’ Diana Mountbatten-Windsor noong Biyernes sa Santa Barbara Cottage Hospital, California.


Ang pangalan ng baby nina Meghan at Prince Harry ay mula sa pangalan nina Queen Elizabeth at Princess Diana.


Pahayag nina Prince Harry at Meghan, "On June 4th, we were blessed with the arrival of our daughter, Lili. She is more than we could have ever imagined, and we remain grateful for the love and prayers we’ve felt from across the globe.


"Thank you for your continued kindness and support during this very special time for our family."


Samantala, makikita ang larawan nina Prince Harry at Meghan kasama ang baby girl nila sa ipinost ng Duke and Duchess of Cambridge sa kanilang official Instagram account na may caption na: "We are all delighted by the happy news of the arrival of baby Lili. Congratulations to Harry, Meghan and Archie.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page