top of page
Search

ni Lolet Abania | June 30, 2022



Tatlumpu’t anim na taon matapos na si yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at kanyang pamilya ay umalis ng Pilipinas sa gitna ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa kanya sa posisyon, ang anak niyang si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nagbabalik sa Malacañang bilang Chief Executive ng bansa, kung saan inihalal ng mahigit sa 31 milyong Pilipino.


Ngayong Huwebes, nanumpa ang 64-anyos na si Bongbong Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa ginanap na inagurasyon sa National Museum.


Sa kanyang journey sa pagka-pangulo, ang dating senador ang nag-dominate sa mga pre-election surveys, nagpatatag sa kanyang pangunguna at kay Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanyang running mate, at noong Mayo 9 ay nakakuha ng 31,629,783 boto na tumalo kay Vice President Leni Robredo at walong iba pang presidential bets.


Nagtala ng 58% ng mga boto sa Eleksyon 2022, si Marcos ang unang pangulo ng Pilipinas na nahalal ng majority mula noong EDSA Revolution.


Sa mga nagdaang araw simula ng kanyang proklamasyon noong Mayo 25, kinilala ng ibang mga bansa ang tagumpay ni Marcos, kung saan ang mga foreign emissaries ay nagbigay ng kanilang courtesy calls sa nahalal na pangulo upang batiin ito sa kanyang pagkapanalo.


Matapos ang isang military at civic parade, kasabay ding makikita sa himpapawid ang maraming jet at choppers ng bansa, binasa ni Senate President Vicente Sotto III ang proklamasyon ng electoral victory ni Marcos.


Kasunod nito, ipinatong ni Marcos ang kanyang kamay sa Bibliya na hawak ng asawa niyang si Liza at isinagawa ang kanyang panunumpa kay Chief Justice Alexander Gesmundo.


“We’ve been through times of bitter division but united we came through to this when we shall begin again. But better,” pahayag ni Marcos sa kanyang inaugural address.


“I’ve listened to you and this is what I have heard. We all want peace in our land. You and your children want a chance at a better hope in a safer and more prosperous country,” saad niya.


“All that is within reach of a hard-working, warm and giving race. Your dreams are mine. Ang pangarap n’yo ay pangarap ko,” deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.


 
 

ni Lolet Abania | June 27, 2022



Inihayag ni United States President Joe Biden na nakatakdang dumalo ang isang US presidential delegation sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes, Hunyo 30, 2022.


Sa isang statement ng White House, nakasaad na si US Second Gentleman Douglas Emhoff ang mangunguna sa delegasyon.


Bukod kay Emhoff, ang mga sumusunod na delegation members na dadalo sa inauguration ni Marcos ay sina:


• Heather Variava, Chargé d’Affaires, ad interim, US Embassy Manila.

• Bobby Scott, Chairman of the Committee on Education and Labor, United States Representative (D), Virginia.

• Nani A. Coloretti, Deputy Director, Office of Management and Budget.

• Admiral James “Sandy” A. Winnefeld, Jr. (Ret.), Former Vice Chairman of the Joint Chiefs of Staff.

• Edgard D. Kagan, Special Assistant to the President and Senior Director for East Asia and Oceania, National Security Council.

• Chantale Y. Wong, US Director of the Asian Development Bank.


Gaganapin ang oathtaking ni Marcos sa National Museum of the Philippines, kung saan mahigit sa 15,000 security personnel ang kanilang ide-deploy.


 
 

ni Lolet Abania | June 24, 2022



Idineklara ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno ang Hunyo 30, Huwebes, na isang special non-working holiday ang lungsod ng Maynila para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa isang advisory nitong Huwebes, nakasaad na nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No. 53 na nagdedeklara bilang special non-working holiday ang Hunyo 30 sa Manila City, “to ensure the safety, security, and protection of participants [in Marcos’ inauguration].”


Manunumpa si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30, na gaganapin sa National Museum of the Philippines (NMP) sa Ermita, Manila.


“The City Government of Manila, in coordination with the concerned agencies of the national government, has to close various thoroughfares in and around the perimeter of the inaugural venue, which will undeniably affect the flow of traffic of both motorists and the riding public,” batay sa order.


“It is but fitting and proper that all citizens of the country, in general, and residents of the City of Manila, in particular, be given full opportunity to witness and welcome this significant event in the life of the nation,” ayon pa sa order.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page