top of page
Search

ni Mylene Alfonso | February 19, 2023




Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi mawawalan kahit isang pulgada ng teritoryo ang Pilipinas.


Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Marcos na patuloy na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang buong teritoryo ng Pilipinas sa kabila ng mga geopolitical tensions na nagaganap ngayon sa West Philippine Sea.


“This country will not lose one inch of its territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” diin ni Marcos sa kanyang talumpati sa kauna-unahang pagkakataon bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang pangunahan ang alumni homecoming sa Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City kahapon.



Sinigurado ng Chief Executive na patuloy na itataguyod ng pamahalaan ang territorial integrity at soberanya ng Pilipinas alinsunod sa Konstitusyon at international laws.


Kaugnay nito, sinabi rin ni Marcos na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito upang matiyak naman ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kababayan.


Samantala, bukod dito ay nagpaabot ng pagbati si Marcos sa lahat ng mga awardees ng PMA dahil sa huwarang pagganap ng mga ito sa kanikanilang mga tungkulin ngayong taon.


Bagay na dapat aniyang tularan ng kabataang kadete na hihimok sa kanila na maging leaders of character na mananatiling tapat sa kanilang mga mithiin at may pagpapahalaga sa kanilang mga integridad, serbisyo, professionalism na matatamo ng mga ito mula sa PMA.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 19, 2023




Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi niya gagamitin ang Philippines-US Mutual Defense Treaty kaugnay sa nangyaring panunutok ng military grade laser ng China sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal noong Pebrero 6.


Sa kanyang talumpati sa almuni homecoming ng Philippine Military Academy sa Baguio, sinabi ni Marcos na hindi sapat para gamitin ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kung saan lalo lamang lalala ang tensyon sa lugar.


“If we activate that, what we are doing is escalating, intensifying the tensions in the area. And I think that would be counterproductive,” punto ni Marcos.


“Besides, despite the fact that it was a military-grade laser that was pointed at our coast guard, I do not think that that is sufficient for it to trigger the Mutual Defense

Treaty,” saad pa ng Pangulo.


“We are in constant contact with our treaty partners, not only with the US but our ASEAN partners and other partners here in Asia.”


Nabatid na ang MDT ay nilagdaan noong 1951 na naguutos sa Manila at Washington na tumulong sa isa’t isa kung ang alinmang bansa ay nasa ilalim ng armadong pag-atake.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 18, 2023



Bumubuo ng P3.48 trilyon na pamumuhunan ang mga foreign trips ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang memoranda of understanding (MOUs) na nilagdaan sa mga biyahe sa ibang bansa ay natupad habang inilalagay ng administrasyong Marcos ang mga detalye ng mga paglalakbay sa ibang bansa na naglalayon na makaakit ng mas maraming mamumuhunan.

“So, we’re starting to go into the details of all of those MOUs and LOIs that people have seen us witnessing, mga pirma-pirma and exchanges sa different countries, (the signing of agreements and exchanges),” pahayag ni Pangulong Marcos kasunod ng pulong sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) at Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs (OPAIEA), na layuning pagsama-samahin at sundin ang iba’t ibang pangako sa pamumuhunan.

“I can already report that some of the MOUs that we signed in Indonesia and in Singapore, mayroon ng resulta. And in fact, I think in the next couple of weeks, we will be starting to inaugurate some of these projects already,” sabi ng Pangulo.

Nabatid na ang OPAIEA na pinamumunuan ni Frederick Go ay nagsisilbing presidential delivery unit, na nagtataguyod ng priority investment at economic agenda ng Presidente, na tinitiyak ang napapanahong paghahatid ng mga proyekto sa pamumuhunan, mga kasunduan sa kalakalan, at mga pangako, bukod sa iba pa.

Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa Pangulo sa pagpupulong na may kabuuang 116 na proyekto na nagkakahalaga ng US$62.926 bilyon o P3.48 trilyon ang nabuo mula sa kanyang mga paglalakbay sa ibang bansa.

Ang kabuuang mga dayuhang pamumuhunan na ginawa sa mga opisyal na paglalakbay ng Pangulo ay kasama sa Indonesia, US$8.48 bilyon; Singapore, US$6.54 bilyon; Estados Unidos, US$3.847 bilyon; Thailand, US$4.62 bilyon; Belgium, US$2.20 bilyon; China, US$24.239 bilyon; at Japan, US$13 bilyon. Sa mga pangako, US$4.349 bilyon o P239 bilyon ang natupad sa mga kumpanya sa iba’t ibang yugto ng pagpapatupad ng kanilang mga proyekto sa bansa.

Ang mga proyektong nagkakahalaga ng US$29.712B o P1.7 trilyon ay mayroong umiiral na Memorandum of Understanding o Letters of Intent habang ang mga kumpirmadong proyekto na nagkakahalaga ng US$28.863 o P1.5T ay nasa yugto ng pagpaplano.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page