- BULGAR
- May 2, 2023
ni Mylene Alfonso | May 2, 2023

Ikinukonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagtatalaga ng mga bagong miyembro ng kanyang Gabinete.
Sa isang panayam habang patungo sa Estados Unidos, tinanong si Marcos kung magtatalaga ng mga bagong miyembro ng Gabinete dahil matatapos na ang appointment ban sa mga tumakbo noong nakaraang halalan na bigong manalo.
“Well, we’ll see. But yeah, ‘yung first year, that really was — we have to look at… Marami talagang — marami namang magaling na hindi nanalo sa eleksyon na gustong tumulong. So we will certainly look into that in different positions. Pero yeah,” pahayag ni Marcos sa mga mamamahayag.
“More or less, for the beginning of siguro the — the beginning of the second year of my term, palagay ko mayroong mga ano. Not a shuffle but we will add people to Cabinet, to strengthen the Cabinet,” wika ng Pangulo.
Nang tanungin kung mayroon siyang shortlist, sinabi ni Marcos na hindi siya mag-aanunsyo ng anuman.
“No, I will not announce anybody. No, they should not hear it naman from the press. They should hear it from me. Kami muna mag-usap,” dagdag pa ng Chief Executive.
Nabatid na sa Mayo 9 matatapos ang one year ban.






