top of page
Search

ni Lolet Abania | December 10, 2020


ree

Nagpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang full cabinet meeting na gaganapin sa December 14 subali't wala pang inilabas na detalye tungkol sa agenda nito, ayon sa Malacañang.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na gagawin ang pulong ni Pangulong Duterte kasama ang mga gabinete bago ang kanyang lingguhang address to the nation.


Matatandaang nagsasagawa si P-Duterte ng buwanang pulong kasama ang mga cabinet members subali't nahinto ito dahil sa COVID-19 pandemic noong March.


“I think that’s [COVID-19] a very good reason,” sabi ni Roque sa isang press briefing.

Gayunman, sinimulan muli ng pangulo ang cabinet meetings noong October upang talakayin ang pagpapasigla sa ekonomiya at pagbubukas ng public transport sa kabila ng nararanasang health crisis ng bansa.


Si Pangulong Duterte at ang mga cabinet officials na dumalo noong October 12 meeting ay nakasuot ng face mask at naglagay sila ng plexiglass table dividers para masigurong ipinatutupad ang social distancing.


Ayon pa kay Roque, nais ni P-Duterte ng face-to-face meetings kaysa sa online interaction.

 
 

ni Lolet Abania | December 7, 2020


ree

Pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna kapag na-secure na ang COVID-19 vaccines emergency use authorization mula sa mga local regulators, ayon sa pahayag ng Malacañang.


Gayunman, ang vaccination ng Pangulo ay posibleng hindi masaksihan ng publiko kahit pa binibigyang-diin ng Palasyo na magdudulot ito sa lahat ng kumpiyansa sa vaccines.


“Ginawa mo namang spectacle ang Presidente,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing ngayong Lunes.


“Hindi naman kinakailangan na ipakitang live ‘yan, but in any case, it’s the President’s decision. I will not second-guess the President,” dagdag ni Roque.


Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na payag siyang magpabakuna sa harap ng publiko.


“Ako pagdating ng bakuna in public, para walang satsat diyan, in public, magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang maeksperimentuhan. Okay para sa akin,” ayon kay P-Duterte sa isang televised address noong August 10, isang araw bago nagbigay ang Russia ng regulatory approval sa vaccine candidate na Sputnik V.


Pinag-aaralan ng bansa ang pagkuha ng mga vaccines na dinebelop ng United States, China, Russia, at ng United Kingdom kasabay ng pagtitiyak ng gobyerno na ang vaccination program ay mananatiling ipatutupad sa susunod na taon.


Samantala, noong nakaraang linggo, pinayagan na ni Pangulong Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na mag-isyu ng isang emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 drugs at vaccines. Ayon sa mga opisyal, ang EUA ang magbabawas ng processing time para sa pag-apruba ng vaccines na gagamitin locally mula anim na buwan at gagawing 21 araw na lamang.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 27, 2020


ree


Mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang sa November 30 at iba pang lugar, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang recorded address ngayong Martes nang umaga.


Ayon kay P-Duterte, nais ng mga mayors na manatili sa ilalim ng GCQ ang National Capital Region.


Bukod sa Metro Manila, ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim din sa GCQ simula November 1 hanggang 30:


Batangas,

Lanao del Sur

Iloilo City

Bacolod City

Tacloban City

Iligan City


Mula noong Agosto ay isinailalim na sa GCQ ang Metro Manila at ilan pang kalapit na lugar kaugnay ng hiling ng mga medical workers upang mabawasan ang lalong pagdami ng kaso ng COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page