top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 25, 2024




Isa ata si Pokwang sa naging mainit ang love life sa mata ng mga Marites, lalo na't gumawa ng ingay ang naging hiwalayan nito sa dating partner na si Lee O'Brian.


Talaga namang publicized ang naging away ng dalawa at hindi nga maiiwasang makisawsaw ang mga netizens sa usapin.


Sey nga ng isang netizen sa ‘X’, dapat daw ay gayahin ni Pokwang si Ruffa Gutierrez pagdating sa pagpapalaki sa mga anak nito dahil kahit kailan nga raw ay hindi pinalaki nito ang mga anak na may galit sa ama.


Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang at agad na sinabing magkaibang tao sila at hindi sila parehas ng naranasan.


Sa itsura pa lang daw ay mas maganda na si Ruffa.


Saad ni Pokwang, "Well, hindi ako si Ruffa. Magkaiba kami. Sa itsura palang maganda sya malayo sobra, sa pangalan etc."



Dagdag niya, "So hindi [pwedeng] dapat ganito ka kasi ganito [s'ya, okay]? Magkakaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdadaanan at pinagdaraanan. Wala kayong alam."


Matatandaang umugong muli ang isyu nila kamakailan matapos kumalat ang mga tsismis na hindi pa raw moved on ang comedianne-actress dahil balak nito umanong dalhin sa Raffy Tulfo In Action si Lee.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 23, 2023





Iniutos ng Bureau of Immigration ang tuluyang pag-deport kay William Lee O’Brian, ang dating asawa ng komedyanteng aktres na si Pokwang.


Binigyang-diin din ng BI sa isang utos na kasama na si O'Brian sa mga blacklisted sa 'Pinas, makansela ang kanyang pre-arranged employment visa at labasan ng Warrant of Deportation laban dito.


Nagmula ang reklamo ng deportation kay Pokwang (Marietta Subong) laban sa dating kinakasama dahil sa personal na pagkakasala sa kanya ni Lee.


Ibinulgar niya ring hindi regular ang pagre-renew ni Lee O'Brian ng kanyang tourist visa habang naghahanap ng trabaho sa bansa.


“Nagpapasalamat ako una sa Panginoon dahil pinakinggan niya ang aking mga dasal na magkaroon ng hustisya ang nangyari sa akin at sa aking anak,” saad ni Pokwang.


Dagdag niya, “Hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng mga taong tumulong sa amin ni Maila. Ngayon, lalo kong susubukan na maging mahusay na ina at ama sa aking anak.”


Ang petisyon para sa pagpapabalik sa kanyang bansa kay O'Brian ay base sa kanyang paglabag sa Section 23 at 37 (A) (7) ng Batas sa Philippine Immigration Act of 1940.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 2, 2020




Shocked to the max si Pokwang sa bill niya sa kuryente na umabot sa apat na buwan dahil nga hindi naman kaagad ito idineliber sa bahay niya dahil sa pandemya.


Base sa tweet ng komedyana ay umabot sa P131,312.00 ang Meralco bill niya.


Aniya, “May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag?


“Wala sumasagot at 'di sinasagot mga tawag. Nanghula lang yata sila ng computation, 4 na buwan P131,312.00, ano kami, pabrika?” takang sabi ni Pokie.


Maraming sumang-ayon sa hinaing ng TV host/actress dahil nakaka-relate rin daw sila.

Samantala, sumagot na ang Meralco kay Pokwang tungkol sa reklamo niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page