top of page
Search

ni Lolet Abania | November 30, 2020




Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang tatlong senior police officials ng Philippine National Police (PNP), ayon sa pahayag ni PNP Chief Police General Debold Sinas.


Sa ginanap na press conference ngayong Lunes, kinilala ni Sinas ang mga infected na police officers na sina Northern Police District Chief PBrig. Gen. Ronnie Ylagan, Firearms and Explosives Director PBrig. Gen. Rommil Mitra at PBrig. Gen. Joey Runes, pawang mula sa Office of the Chief PNP.


"So, nagkalabasan 'yan noong nag-command conference kami, kaya hindi sila naka-attend ng conference kasi nga, mga positive na sila and it's good kasi at least may early detection tayo," sabi ni Sinas.


Gayunman, ayon kay Sinas, ipinapatupad na ang regular na pagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga police officers upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa kanilang hanay.


Sa ngayon, ang PNP ay may 8,103 COVID-19 cases na may 370 ang aktibo. May kabuuang bilang na 7,707 naman ang nakarekober mula sa virus habang 26 ang namatay.

 
 

ni Lolet Abania | September 9, 2020



Nakapagtala kahapon ang Philippine National Police (PNP) ng pinakamataas na kumpirmadong kaso ng tinamaan ng Coronavirus sa loob ng isang araw sa kanilang hanay.


Sa datos ng PNP Public Information Office, 223 ang bagong kaso ng mga kawani na na-infect at karamihan dito ay mga frontliners.


Nanggaling ang mga ito sa National Operation Support Unit (96), Police Regional Office III (61), NCRPO (19), National Headquarters (14), Police Regional Office IV-A (14), National Administrative Support Unit (9), Police Regional Office V (6) at sa Police Regional Office VI (4).


Umabot na sa kabuuang 4,785 kumpirmadong kaso, 16 namatay, 745 probable, 3,135 suspect at 3,337 ang nakarekober sa COVID-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.


 
 

ni Lolet Abania | September 7, 2020



Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oath of office ni PGen. Camilo Cascolan bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).


Sinamahan si Cascolan ng kanyang pamilya sa seremonyang ginanap sa Malacañang ngayong Lunes.


Tiwala ang Palasyo sa ika-24 na PNP chief na ipapatupad nito ang mga itinakdang batas, gayundin, ang pag-aalis sa mga corrupt na pulis sa kanilang hanay at pagpapatuloy ng laban sa droga sa panahon ng kanyang termino bagama’t sandali lang ito dahil magreretiro rin ito sa Nobyembre.


"I will lead this organization along the footsteps of my predecessors and along the shadows of their leadership and building on what they have started," sabi ni Cascolan.


"I will lead the PNP along with the vision of a highly-capable, effective, and credible PNP that provides better and more reliable, more efficient and more effective police services,” dagdag niya.


Gayunman, sabi ni Cascolan, hindi magiging epektibo ang pulisya sa pagpapatupad ng batas kung wala ang tulong at suporta ng mga mamamayan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page