top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 18, 2021





Nasabat ang 158 kilograms ng hinihinalang marijuana na tinatayang aabot sa halagang P18.96 million sa isinagawang buy bust operation sa Concepcion, Tarlac ngayong Huwebes.


Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency – Tarlac, nagsagawa ng operasyon laban sa dalawang suspek na nagbenta ng hinihinalang marijuana na nagkakahalagang P3 million sa nagpanggap na buyer.


Sa naganap na pakikipagtransaksiyon, naaresto ang apat pang suspek. Pahayag ni PNP Chief Police General Debold Sinas, "Further investigation revealed that these suspects are actively engaged in the illegal drug trade activities, specifically marijuana within Region 1 and 3.


"Recent accomplishments against drug syndicates manifest the responsiveness of PNP units to the national government’s campaign against illegal drugs and criminality.”


Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Miranda, 34; Joey Palaeyan, 33; Freddie Letta, 35; Carl Andrei Maico, 22; Via Jean Ortiga; at Lorraine Fulgencio, 23. Nasa kustodiya na ng PNP Provincial Drug Enforcement Unit ang mga suspek.


 
 

ni Lolet Abania | February 16, 2021




Umabot na sa 10,833 kaso sa Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 51 kawani na tinamaan ng virus ngayong Lunes.


Gayunman, sa pinakabagong datos ng PNP, may kabuuang bilang na 10,340 ang nakarekober sa coronavirus matapos na 70 ang nadagdag na police officers na gumaling.


Habang nananatiling 31 ang mga namatay na pulis. Sa ngayon, mayroong 462 active COVID-19 cases sa organisasyon ng pulisya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 14, 2021




Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang P50 million halaga ng endangered giant clam shells o “taklobo” sa Bayawan City, Negros Oriental noong Biyernes.


Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Ricarido Santiana Dela Cruz, Jr. at inaresto sa entrapment operations na isinagawa ng Crime Investigation and Detection Group RFU 7 Negros Oriental PFU, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bayawan City Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) at 1ST Provincial Mobile Force Company, NOPPO.


Ibinebenta ni Dela Cruz ang 1,000 kg ng giant clam shells (taklobo) sa halagang P5 million sa pulis na nagpanggap na kostumer. Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang entrapment money; 1,000 kg ng taklobo na bahagi ng total inventory na tinatayang aabot sa higit-kumulang 10,000 kilos na nagkakahalagang P50 million; isang cal. 45 Colt pistol; isang magazine ng cal. 45 pistol; at 7 live ammunition para sa cal. 45 pistol.


Pahayag ni PNP Chief Police General Debold Sinas, "This accomplishment ensures that the sustainable conservation and protection of fishery and aquatic resources law is being implemented by our local authorities.”


Ayon sa awtoridad, isang Yan Hu Liang, alias Sunny, ang nagmamay-ari ng endangered giant clam shells na tinatayang aabot sa international market value na P918 million.


Sina Dela Cruz at Yan Hu Liang ay haharap sa kasong paglabag sa Fisheries Code sa ilalim ng Administrative Order 208 o "Conservation of rare, threatened and endangered fishery species." Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Bayawan City Police Station si Dela Cruz habang si Yan Hu Liang naman ay hinahanap pa ng awtoridad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page