top of page
Search

ni Lolet Abania | March 15, 2021




Ipapakalat ang 10,000 pulis sa Metro Manila upang masigurong maipapatupad ang mahigpit na uniform curfew, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, nagbigay na siya ng direktiba sa police force na ipatupad ang maximum tolerance sa lahat at patuloy na igalang ang karapatang pantao.




"To our personnel on the ground, be reminded of our two rules to avoid unnecessary confrontation to the public -- one, observe maximum tolerance; and two, respect the people's rights. We will be closely monitoring your compliance," ani Eleazar sa isang interview ngayong Linggo.


"And to the public, we also offer a formula to prevent unnecessary confrontation and spare yourself from arrest: one, respect the rules on observance of the minimum health safety standard protocols; and two, respect the authorities that are enforcing these protocols," dagdag pa ng opisyal.


Magsisimula ang curfew bukas, March 15 ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga na tatagal ng dalawang linggo dahil sa biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa buong National Capital Region (NCR).

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 13, 2021




Nagsagawa na ng contact tracing ang Philippine National Police (PNP) simula noong Biyernes sa mga nakasalamuha ni Gen. Debold Sinas matapos itong magpositibo sa COVID-19.


Pahayag ni PNP Officer In Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar, “Based on the guidance of our Chief PNP, General Debold Sinas, all our personnel who made close contact with him must be checked as a matter of protocol and for their health safety and the safety of their family.”


Ayon kay Eleazar, ang lahat ng nakasalamuha ni Sinas simula noong Marso 9 hanggang Marso 11 sa mga pinuntahan nitong lugar ay kailangang matukoy at maisailalim sa Health assessment kabilang na ang mga miyembro ng media.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 12, 2021





Sugatan ang halos 20 katao sa karambola ng mga sasakyan sa Tupi, South Cotabato noong Huwebes.


Ayon kay Rolly Doane Aquino, South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council officer, kaagad na isinugod sa ospital ang mga biktima.


Sa inisyal na ulat, nabangga ng isang pampasaherong jeep ang van-type truck sa highway dahil sa madulas na kalsada dahil sa pag-ulan at sa lakas ng pagbangga ay nadamay din ang isang motorsiklo at puting kotse.


Ligtas ang driver ng delivery truck at ang dalawang pahinante nito pati rin ang mga sakay ng kotse ngunit kabilang sa mga sugatan ang driver ng motor. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Tupi PNP matapos tumakas ang driver ng jeep.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page